^

Pang Movies

Coco at Julia, may iba pang aaminin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Coco at Julia, may iba pang aaminin!
Coco Martin at Julia Montes

Matapos ang 12 taon ng pagiging mag-syota, “nadulas” daw si Coco Martin at inamin sa isang interview ang relasyon nila ni Julia Montes. Hindi kami naniniwalang nadulas lang si Coco, maaaring napag-isip-isip na niyang kailangan na nilang aminin iyon, after all hindi naman naniniwala ang publiko na wala silang relasyon.
Naniniwala rin kaming iyan ay simula pa lamang dahil marami pa silang dapat aminin sa publiko kaugnay ng kanilang pagsasama nang mahigit isang dekada. After all visible na rin naman sila sa mga tao sa kung anu-anong lakad. Established na naman ang career ni Coco.

Si Julia naman parang wala nang kailangang patunayan sa kanyang career. Baka naman puwedeng aminin na nila ang iba pang matagal na rin nilang diumano’y itinatago nila.

Hindi naman matinee idol si Coco na masasabi mong masisira ang career kung masabi mang siya ay may asawa o tatay na. Tatanggapin iyon ng fans. Bakit naapektuhan ba si FPJ (Fernando Poe Jr.) nang malaman ng mga taong may asawa na siya at tatay na? Hindi naman at lalo pa ngang tumindi ang paghanga ng fans sa kanya dahil pinanindigan niya ang kanyang responsibilidad. Ganoon din sana ang maging kaisipan ni Coco.

Naku bahala na nga sila. Nasa tamang edad na sila.

Teleradyo, tuluyang nalugi

Tatlong taon matapos na mawalan ng prangkisa, isasara na rin ng ABS-CBN ang Teleradyo dahil sa pagkalugi. Noong araw, ang ABS-CBN ay may anim na istasyon ng radyo na sabay-sabay na nag-o-operate. Sa kanila ang DZXL na nasa frequency na ginamit ng Teleradyo, mayroon silang DZAQ na kung saan talagang nagsimula ang Radyo Patrol, dzQL na isang pop station, DWOW na isang showsbiz personality station, dzYL na isang sports station, at iyang dzMM na ang tanda namin ay isang Spanish language station noong araw.

Nang mawalan ng prangkisa, ipinagpatuloy nila ang dzMM bilang Teleradyo sa cable, kasi nga nariyan ang mga komentaryo na patuloy magbibigay ng “ngipin” sa napilay nang ABS-CBN. Ipinagmalaki nila na parang hindi na mahalaga ang prangkisa, dahil milyon naman daw ang kanilang tagasubaybay sa internet at worldwide pa.
Pero bigla silang nagising sa katotohanan na ano man ang sabihin nila, talo sila ng mga istasyong on the air at hindi nabibilang ang nasa internet, kaya wala silang commercials at nalulugi sila. Hindi pa rin naman totally sarado ang Teleradyo, kumuha lang sila ng makakasosyo na siyang gagastos sa mga programa at mananatili sila bilang digital channel sa cable at sa internet.

Talent manager, hirap hanapan ng trabaho ang alagang ex-call boy!

Umangal ang isang hindi naman sikat na talent manager dahil sinasabi raw ng iba na siya ay bugaw at ibinubugaw niya ang alaga niyang male starlet sa mga bakla.

“Hindi ko siya ibinubugaw, siya ang nagpapahanap ng booking dahil kailangan daw niya ng pera, tinutulungan ko na lang siya kaysa sa magbalik siya sa pag-istambay sa mga bar at maghanap ng mga baklang magyayaya sa kanya. Bago ko naman siya naging talent call boy na siya talaga. Marami na siyang baklang pinanggali­ngan, at ang dami niyang pictures at mga video na hawak ng mga bakla, kaya nga hirap din akong magrekomenda sa kanya sa pelikula at TV show, kasi kilala na siyang call boy,” sabi ng galit na talent manager.

Eh bakit kasi siya kumuha ng ganoong talent tapos galit siya?

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with