^

Pang Movies

Pokwang, ipatatanggal na ang apelyido ng ex sa kanilang anak!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pokwang, ipatatanggal na ang apelyido ng ex sa kanilang anak!           
Pokwang at Malia

Hindi nang-eechos si Pokwang nang sabihin nito na kukuha siya ng abogado para sa sole custody ng anak niyang si Malia.

Sa kanyang Instagram ay pinost ng TiktoClock host ang meeting niya kay Atty. Ralph Calinisan.

Caption ni Pokwang: “#tuloylanglabanparasakinabukasan. Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian kung naitaguyod ko si ate ng mag-isa mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo.”

Nais na raw palitan ni Pokwang ang last name ni Malia na O’Brian sa apelyido niyang Subong.

Isang paraan daw ito para nasa custody na niya si Malia at hindi na umeeksena ang former partner na si Lee O’Brian.

“Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala sya palamunin at limang taon walang child support,” sey pa ni Pokwang na nakipaghiwalay kay Lee noong November 2021.

May kinalaman daw sa negosyo nila kung bakit nauwi sa hiwalayan ang dating maayos na pagsasama ng dalawa. Bukod pa raw ‘yung ibang ginawa pa ni Lee na ‘di na raw masikmura ni Pokwang.

Jasmine, nagamay na ang pagiging seloso ni Jeff

Inamin ni Jasmine Curtis Smith na sobrang seloso ang boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Sa pitong taon daw na may relasyon sila, nauunawaan na raw ni Jasmine ang pagiging seloso nito. Kaya tuwing meron silang ‘di napag-uunawaan, nagiging honest agad si Jasmine sa pagsabi kung ano ang diperensya nito.

“Mas na-practice ko na immediate. Kasi kapag nag-linger, ang daming nagfo-fall na bagong thoughts and comments sa utak ko. I don’t want that to add up.

“People in your life will come and go, no matter the circumstances — good or bad and kailangan ready ka sa mga ganun bagay for you to stand up even when things are shaking and changing,” sabi pa ni Jasmine.

Marvel actor Jeremy Renner, nakakatayo na ulit

Three months after na masagasaan ng snowplow ang Marvel actor na si Jeremy Renner, ngayon ay nakakatayo na ito at gumagamit na ng treadmill.

“Now is the time for my body to rest and recover from my will,” caption ng 52-year-old bida ng series na Hawkeye sa pinost nitong video.

Nalagay sa critical na condition ang two-time Oscar nominee noong pumailalim siya sa isang umaandar snowplow sa kanyang bahay sa Reno, Nevada noong January.

Higit na 30 bones ang na-fracture sa iba’t ibang parte ng katawan niya.

Hindi pala nalagay ng aktor sa emergency brake ang minamaneho niyang snowplow noong bumaba siya para tulungan ang kanyang nephew sa kotse nito.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with