Billy, kailangan ng bagong show!

Billy

Dapat talagang mabigyan ng bagong show si Billy Crawford.

Isa sa pinakamahusay na host dahil very articulate, witty, at very pleasant si Billy.

Iba ang dating niya sa screen kaya madali mo siyang makakagiliwan.

Talagang hosting is made for Billy kaya sayang na nawala ang Lunch Out Loud dahil meron nang captive audience ang nasabing noontime program dahil sa mga bagong manonood na na-hook sa kakaibang charm ng program.

Pero malay natin, walang noontime show ang Net25 baka doon na ito ilipat ni Pat-P Daza na mukhang at home sa Net25 dahil sa Lutong Daza at ang show nila ni Korina Sanchez at BFF ang Presidente nitong si Caesar Vallejos. Talagang ang ganda ngayon ng laban sa TV viewership lalo pa nga at nandiyan ang Villar network na ALLTV na aggressive rin talaga sa mga bagong shows na kanilang binabalak ilagay sa kanilang network.

Talagang ang benefits ng lahat ng pagbabago sa TV ang manonood na talaga namang hinihintay ang mga show na puwede nilang maging habit everyday.

Show comments