^

Pang Movies

James, kinamumuhian sa relasyon kay Issa!  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

BINASAG na ni James Reid ang kanyang katahimikan at naglabas ng statement para ipagtanggol ang rumored girlfriend na si Issa Pressman.

Sa kanyang Instagram Story at Twitter last Friday, nilinaw ni James ang tungkol sa lumang issue na third party si Issa sa breakup nila noon ni Nadine Lustre and at the same time ay tila kinumpirma na rin niya ang relasyon sa kapatid ni Yassi Pressman.

“I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors,” ang simula ng statement ni James.

Kasunod nito ay sinabi niyang isang magandang pagsisimula ang nangyayari ngayon sa kanya at hindi niya ito hahayaang masira na para bang sinasabi niya na ngayon pa lang nagsisimula ang relasyon nila ni Issa contrary to speculations na ang dalaga ang naging dahilan ng breakup nila ni Nadine.

“I usually never address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that from me,” James wrote.

Sa huli ay sinabi niya sa kanyang fans na happiest siya ngayon.

“To my fans, all you need to know from me is that I’m the happiest I’ve been,” aniya.

Simula nang ilabas ni Issa sa kanyang IG last Thursday ang larawan nila ni James na magka-holding hands ay inulan na ng katakut-takot na bashings ang dalawa.

Inakusahan nilang “ahas,” “anaconda,” “mang-aagaw” at “third party” si Issa habang si James naman ay pinaratangang “cheater.”

Hinala ng fans, noong time na may relasyon pa sina James at Nadine ay may lihim na relasyon na ito kay Issa.

At kahit nga nilinaw na ngayon ni James ang bagay na ito ay hindi pa rin naniniwala ang fans.

“Grabe yung dissapoinment as a fan from JADINE to James and Nadine. Kasi buong akala ko they broke up for them to grow separately. Akala ko mutual decision. Wag mo sabihing “the past rumors about Issa are just that, rumors. Kasi HINDI,” sey ng isang fan.

“As someone who has been a fan since 2014, YOU DISAPPOINTED ME BIG TIME, James,” pahayag ng isa pang supporter.

“James reid really not getting the point no? Regardless if there was cheating or none, the fact na jinowa mo ‘kaibigan’ nyo ng ex mo, red flag yun. Kagaguhan. Pero sige, kung saan ka ‘masaya,’” opinyon naman ng isa pa.

“Wala naman kaming pake if sinong maging jowa mo, pero si issa? Na kaibigan ni nadine? Seryoso kaba james?” sabi naman ng isa pa.

So many hate, sa totoo lang. May mga positive comments din naman pero mangilan-ngilan lang at karamihan talaga ay pagkokondena sa relasyong James-Issa.

vuukle comment

ISSA PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with