^

Pang Movies

Rocco, walang pahinga

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rocco, walang pahinga
Rocco Nacino

Grateful si Rocco Nacino sa GMA Network, dahil kahit nasa cast pa siya ng high-rating historical fantasy portal na Maria Clara at Ibarra, isinama pa rin siya sa cast ng upcoming mystery action drama series na The Missing Husband.

Kaya after ng last taping niya ng #MCI ay umuwi lamang siya sa kanilang bahay para makita at makasama ang wife niyang si Melissa Gohing at baby boy nilang si Ezren at tumuloy na rin siya sa lock-in taping ng new GMA afternoon prime series sa Pico de Loro Beach Resort & Country Club sa Batangas City.

Nadine, nanibago

Bale reunion ang The Missing Husband nina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte, na parehong kabilang sa first StarStruck ng GMA Network, na pinagwagihan noon nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. “Medyo nanibago ako sa first scene ko sa serye,” sabi ni Nadine. “Nanibago ako kasi after 10 years, with three children, saka lamang ako muli umarte, lock-in pa ang taping. Pero enjoy ako kasi para kaming isang big family sa set, masayang makatrabaho rin ang mga bagong Kapuso stars.”

Masaya nga raw lagi ang set ng The Missing Husband, tulad noong birthday ni Yasmien, naghanda siya para sa buong cast at production staff. Nasorpresa pa siya dahil hindi niya alam na darating ang husband niyang si Rey Soldevilla, Jr. na may dalang malaking bouquet of flowers.

Muli namang nagbabalik si Joross Gamboa sa GMA, at dahil wala pa siyang eksena sa first day niya sa set, nag-vlog muna siya at ipinakita ang kabuuan ng napakagandang set nila sa Pico de Loro. Happy naman si Jak Roberto, na matagal-tagal ding walang ginawang serye at type niya ang role na isang pulis at may action ang mga eksena niya. Bago naman nagsimulang mag-taping si Sophie Albert ng The Missing Husband, natuloy na ang church wedding nila ni Vin Abrenica, kaya isinama na niya sa lock-in taping ang one year-old daughter nilang si Ava Celeste, dahil si Vin naman ay abala sa taping ng Mga Lihim ni Urduja.

Xian, nag-TY kay Michael

Teary-eyed si Ashley Ortega nang sabay nilang pinanood ng ka-partner na si Xian Lim ang world premiere ng Hearts On Ice at nakita pa nilang nagti-trending ito sa Twitter at nakakuha ng mataas na rating laban sa katapat nila.

Nagpasalamat si Ashley kay Michael Christian Martinez, ang Asian Figure Skating champion at two-time Olympic figure skater, na nag-guest sa serye.

Nagpasalamat din si Xian kay Michael dahil tinuruan pala siya nito ng steps ng figure skating, since isa rin siyang mahusay na figure skater sa serye.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with