Dalagang mayor sa probinsya, na-fall sa aktor na pumapatol sa lalaki at babae  

Naakit ang isang bata at dalagang mayor sa isang probinsiya ng isang guwapito na medyo supladitong aktor na nakasama sa grupo ng star basketball players nang dumayo ang mga ito para sa isang league.

Eh ang usong sayaw na Ting Ting Tang Tang ang sinayaw ng mga player kapag ipinakilala sila nang isa-isa!

Nasipat ng mayora ang guwapitong aktor. Kaya kinausap ang nag-organize ng liga upang papuntahin sa kanya ang aktor at huwag agad paglaruin!

Eh kilalang mukhang pera ang aktor na pumapatol sa babae man o lalaki basta in the end, either magkaroon siya ng mas malaking pera o negosyo kung sakaling public servant ang biktima niya, huh!

So hindi na nakapaglaro ang aktor pero mas malaki na ang take home na pera, sigurado pa siyang may kontratang trabaho sa probinsya, huh!

‘Yung ganitong liga eh ginagagawa na noon pa man ng mga artista eh dahil gurang na sila, younger batch ng mga aktor ang humalili sa kanila na ngayon daw ay nasa abroad naman!

Katrina, magpapaka-martir sa asawa

Matinding eksena ng bakbakan ang hatid nina Katrina Halili at Faye Lorenzo sa bagong episode ng Magpakailanman ngayong gabi.

Gaganap na martir na asawa ni Rodjun Cruz si Katrina sa episode na The Power of Love: The Miguel and Baby Duhaylungsod Story.

‘Yun bang kahit niloloko na ng asawa si Katrina eh nagtitiis pa ring alagaan siya dahil sa pag-ibig!

Show comments