^

Pang Movies

FB serye, agaw-pansin!

Gorgy Rula - Pang-masa
FB serye, agaw-pansin!

MANILA, Philippines — Bagong konsepto naman itong mapapanood natin ngayon sa social media.

Kung may mga nasusubaybayang series sa YouTube, pati sa TikTok at sa iba’t-ibang digital platforms, ngayon naman ay sa Facebook.

Napansin na ng netizens ang itong mini-series na Roommate ng Rems Films na dinirek ni Gabby Ramos.

Tampok dito ang bagong loveteam nina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar.

Kung may mga sumikat na KathNiel, Jadine, AlDub, LizQuen, at ang latest na DonBelle at YsaGuel, ngayon naman ay meron ding JhasDrick sa Facebook.

Napapanood na ngayon ang siyam na episodes ng FB seryeng ito sa Official Facebook page ng direktor nilang si Gabby Ramos.

Sa nakaraang mediacon ng FB seryeng ito, masayang ibinalita ni direk Gabby na maganda ang resulta ng kanilang FB serye.

Natupad ang wish nilang mapansin ito, kahit hindi pa naman sila kumikita sa Facebook.

Nakakatuwa lang daw na marami ang natuwa sa Roommate at inaabangan na ito kung magkaka-season 2 ba pagkatapos ng siyam na episodes na ipinalabas sa naturang Facebook series.

May fans na sumusubaybay na sa loveteam na ito nina Jhassy at Heindrick, pero ang isa pa sa main cast na napapansin na rin ay ang 17-year-old talent ng Star Hunt na si Earnest Beaver Magtalas.

Napasaya nga ni Beaver ang mga entertainment press na dumalo sa naturang mediacon dahil sa pa-giveaway nilang mga sibuyas at bawang.

Kaya nagkagulo ang press nang inilatag ng Mommy ni Beaver ang mga sibuyas at bawang na ipapamigay sa kanila.

Doon sa naturang mediacon ay nabuking tuloy na meron palang isa pang project na niluluto ng Rems Films at ni direk Gabby Ramos.

Walang kaalam-alam si Beaver na may ganun palang plano na project, lalo na’t natutukso pa siya kay Mutya.

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with