^

Pang Movies

Janella, nanghingi ng paliwanag sa tinapa!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janella, nanghingi ng paliwanag sa tinapa!                
Janella

Ang daming naaliw sa tweet ni Janella Salvador tungkol sa natanggap niyang regalo mula sa fan.

Ipinost ng aktres ang larawan ng isang tinapang bangus na iniregalo sa kanya at sa caption ay humi­hingi siya ng explanation mula sa fan na nagbigay.

“Hi vadengs thank you for the gifts ha but i think I need an explanation for this one,” tweet ni Janella.

Bukod dito nag-upload din siya ng larawan niya na may caption na “I am confusion.”

Nag-comment pa ulit si Janella at sinabing pretty naman daw ang tinapang bangus.

Hindi namin alam kung humihingi ba ng paliwanag si Janella dahil hindi niya alam ang tinapang bangus or dahil isa lang ang ibinigay sa kanya.

Anyway, sumagot naman ang nagbigay at aniya, “local product kc ng bataan yan ea hindi naman sila mkakagala dto kaya binigyan ko na ng specialty na-min.”

Komento naman ng isa pang netizen, “teka lang tawang tawa ako (laughing with tears emojis) tinapa yan bhie, lagay mo muna sa ref, mas masarap yan breakfast, prito mo lang yan ha.”

Sey naman ng isa pa, “Hahaha natuwa naman ako sa tweet na ito! Can’t stop laughing at the meme. But on a serious note, that is tinapang bangus. Bataan is known for “tinapa” and “tuyo”. Eat it with fried rice, salted egg, and hot coffee. Nagutom tuloy ako.”

Reaksyon ng isa pang Twitter user, “Buset! Ang aga ng tawa ko dito. Walanjo. Hahahaha!”

Marami rin ang nag-explain sa kanya na “smoked bangus” or daing na bangus ang tawag du’n at pinayuhan siyang iprito’t kainin sa almusal.   

Pero kinabukasan ay naglabas naman ng paglilinaw si Janella tungkol dito.

“Just to clarify: i LOVE tinapa!!! Hindi ko lang inexpect na isda yung bubungad sakin when I unwrapped the crepe paper with a ribbon Excited to fry this litol fishy. Tankoo!” ang pagkaklaro ni Janella.

Mercedes, nagsalita sa isyu ng porno

Ipinagtanggol ng award-winning actress na si Mercedes Cabral ang impresyon ng maraming tao na pornography na raw na maituturing ang mga ipinapalabas sa Vivamax.

“There’s really a thin line that divides erotica from pornography. Erotica is also sexually stimulating but much deeper, mas may importanteng story, mas may art than porn.

“Porn naman kasi has walang aesthetic value but just aimed to arouse its viewers sexually. In this series, the erotic scenes are all necessary to the story kaya ko tinanggap and we’re proud of it,” ang paliwanag ni Mercedes sa virtual mediacon ng bago niyang series sa Vivamax, ang Erotica Manila.

Ginampanan ng aktres ang isang aging actress na magkakaroon ng affair sa production assistant played by Vince Rillon.

Sa trailer pa lang ay makikita na ang mga maiinit na eksena nila ni Vince. Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project?

“When I got the script, inisip ko nga muna if I would accept it. But when I accepted na, I gave it my all. Maganda kasi yung episode namin, may touch ng comedy, which I like, kasi mga nagawa ko before, puro drama, so this one is different.

“But this is where I realized mas madali magdrama kaysa magpatawa ng tao,” dagdag ni Mercedes.

Ang Erotica Manila ay isang four-part series na may apat na kuwento tungkol sa iba’t ibang sexcapades na pwedeng ma-experience sa Metro Manila.

Ang lahat ng episodes ay idinirihe ni Law Fajardo.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with