^

Pang Movies

Paolo, nilatag na naman ang problema sa fans

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang nagkamali na naman ng diskarte si Paolo Contis. Aywan kung nabigla siya sa mga tanungan, pero ang sinasabi niyang problema at pagkakamali niya na gusto niyang maituwid in private at sa pagitan lang niya at ang mga anak niya, binuksan niya sa national television, na napapanood ng publiko sa buong Pilipinas. Dahil doon binuksan niya ang pagkakataon ng publiko na makapagbigay ng kanilang opinion sa isang problema na dapat sana ay pribado.

Siya ang artistang hanggang hindi sila nagbibigay ng opisyal na pahayag, nananatiling pribado ang kanilang buhay. Kaya nga iyong iba nakakapagsabi pang “I will consult my lawyer.”

Pero kung ganyan na ikaw na mismo ang naglatag ng problema mo sa telebisyon, binuksan mo na iyan sa publiko at hindi na maaaring pigilin sino mang magbigay ng opinion tungkol doon. Ginawa mo nang public.

Iyan din ang dahilan kung bakit malalakas ang loob ng bashers kasi inilabas nila ang mga problema sa social media.

Ang sabi niya nagsisisi na raw siya dahil sa kanyang mga pagkakamali na kasalanan niya, dahil hindi niya napanindigan ang kanyang desisyon. Kabilang na roon ang mga naging relasyon niya.

Una na ang kaso nilang dalawa ni Lian Paz, kung kanino siya nagkaroon ng dalawang anak. Inamin niyang wala talaga siyang naisustento sa mga anak niya, kaya nagpasalamat pa siya kay Lian at sa asawa nito ngayong si John Cabahug, dahil sila na ang bumalikat sa pagpapalaki sa kanyang dalawang anak.

Bagama’t sinabi niyang may trabaho naman siya, ipinag-iipon na niya ng pera ang kanyang mga anak na balak niyang ibigay sa mga iyon pagdating ng araw.

Pero pera lang ba ang mahalaga sa tao? Hindi ba higit na mahalaga ang pagkalinga ng isang ama?

May nakalusot pang isang pilyong tanong sa kanya. Tinanong siya alin ang pipiliin mo Yen o Dolyar? Ang sagot niya Yen. At alam na ang ibig sabihin noon kahit na nga mas mataas ang value ng US dollars.

Heart at Chiz, tinantanan na

O hindi ba, parang binuhusan ngayon ng malamig na tubig ang mga marites noon na tinitiyak na hiwalay na nga si Heart Evangelista sa asawa noong si Senador Chiz Escudero.

Nakita lang nilang walang suot na wedding ring si Heart umarriba na ang mga marites. Nakalimutan nila na si Heart ay isang fashion model, at natural ibinabagay niya sa damit niya lahat ng accessories na suot niya.

Kung hindi bagay sa damit ang wedding ring, bakit nga ba hindi niya aalisin iyon. Sinimplehan ni Heart ang pangalan niya sa isang social media platform, bumanat na naman ang mga marites. Bakit daw niya inalis ang Escudero sa kanyang pangalan?

Naghanap lang ng bahay sa Paris si Heart dahil nahihirapan na rin naman siya nang pabalik-balik sa Pilipinas, ganoong karamihan sa kanyang commitment bilang isang modelo ay nasa Paris, hiwalay na raw talaga.

Nagtatanong pa bakit hindi man lang daw binati ni Heart si Chiz noong Pasko sa social media post niya. Hindi alam ng mga tsismosa na nakauwi na si Heart at kasama na ang kanyang pamilya. Eh ngayon si Chiz pa ang dumayo sa Paris, ano pa ang masasabi ng mga marites?

Palaos na aktres, tinatanggihan ng dating ka-loveteam

Talagang atat na atat ang isang palaos nang female star na sumikat ulit, at dahil diyan ay nagpipilit siyang makasama sa isang project ang dati niyang ka-love team. Iyon namang dati niyang ka-loveteam, noong mag-comeback, tinanggihan niyang makasama sa pelikula. Ngayong matatag na ulit ang career noon at siya naman ang halos lubog na sa ilog, siya ang nagpipilit.

Bantulot naman ang dati niyang ka-love team, dahil “hindi ba dalawa nang projects sa mga dati niyang ka-love team ang flop?”

Oo nga naman, baka nakaangat na siya bigla pa siyang batakin pababa.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with