^

Pang Movies

Matteo, abala sa studio nila ni Sarah

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Matteo, abala sa studio nila ni Sarah
Matteo at Sarah

Talaga palang magkahawig sina Sarah Geronimo at Kathryn Bernardo, lalo na kapag magkapareho ang hairstyle nila. Unang napansin ang pagkakahawig ng dalawa nang parehong curly ang kanilang mga buhok.

Naunang magpa-curly hair si Kathryn para sa series nila ni Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True at sumunod si Sarah para naman sa music video ng isa niyang bagong single. Nang lumabas ang photos niya, halos ang comment, akala ng fans si Kathryn ang nasa picture.

Naulit ang mga comment na akala nila si Kathryn ang kanilang nakita nang parehong ash gray ang kulay ng kanilang mga buhok. Kundi raw nila nabasang si Sarah ang nasa litrato, aakalain nilang si Kathryn ang kanilang nakita.

Inisip ng fans ni Sarah na baka para sa music video ng isa pa niyang single ang pagpapakulay niya ng buhok.

Anyway, ilang buwan na lang at matatapos na ang ipinatatayong G Studios nina Matteo Guidicelli at Sarah sa may Alabang. Nag-post ng update si Matteo sa itinatayong two-storey building na recording studio na may area for music studio shoot, photo shoot, TVC shoot at may commercial area pa.

Kapag natapos ang G Studios, hindi na lalayo pang mag-recording ng misis at kikita pa sila sa lease ng commercial area.

Arjo at Maine, hindi pa inaayos ang kasal

Natuwa na sana ang ilang AlDub fans sa sinabi ni Sylvia Sanchez sa interview sa kanya ni Korina Sanchez na walang kasalang mangyayari sa kanilang pamilya this year. Ibig sabihin, hindi ikakasal sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza at Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Napalitan lang ng inis ang tuwa ng ilang AlDub fans nang mapanood si Allan K sa Eat Bulaga na in-announce na ikakasal sina Maine at Arjo. Galit at galit ngayon kay Allan ang ilang AlDub fans at wala raw siyang respeto kay Alden Richards na alam niyang asawa ni Maine.

Sa galit ng ilang AlDub fans, pati ang kabubukas na comedy bar nito pinagdiskitahan at kung anu-ano ang sinasabi ng fans. Sabagay, sa opening pa lang ng comedy bar galit na ang ilang AlDub fans dahil sina Arjo at Maine ang nag-cut ng ribbon. Maka-ArMaine raw si Allan K.

Pero dedma sa galit ng ilang AlDub fans si Allan.

Dennis, laging ka-facetime ang anak

Ang cute ng reaction ni Baby Dylan sa FaceTime nila ng dad niyang si Dennis Trillo, makikita sa mga ngiti ng baby ang tuwa na makita ang ama kahit sa cellphone lang. Talagang focus sa cellphone ang baby nina Dennis at Jennylyn Mercado at napasigaw pa nga sa tuwa.

Lalo siguro siyang na-miss ng aktor na nasa taping ng Maria Clara at Ibarra at

ang naging comment na lang ay “I miss you both mga mahal ko, see you soon ha?”

Pati mga celebrity natuwa rin at pinusuan ang post ni Jennylyn, ‘di na pinansin ang nag-comment na bawal sa baby ang cellphone.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with