Chiz, kasamang rumampa ni Heart sa Paris

Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista

Sinamahan pala ni Sen. Chiz Escudero si Heart Evangelista sa pagpunta ng Paris para sa Paris Fa­shion Week. Hindi masabi kung sabay na lumipad ang mag-asawa o sumunod na lang ang Senador. Hindi kasi nabanggit ni Heart sa mga post niya na kasama niya ito at ang glamour team lang niya ang nakita sa video habang siya ay inaayusan.

Nalaman lang na magkasama sa Paris sila sa latest post ni Heart ng photo nilang dalawa at may caption na “Dinner @tiffanyandco.” Malapit nang umabot sa 2,000 ang comments sa post na ito.

Pinusuan at masaya ang followers ni Heart na makitang magkasama sila at sabi pa nga ni Karen Davila, “Love wins.” May sarcastic namang nag-comment na nasaan na ang mga nagsabing hiwalay na ang dalawa?

Dahil sa maganda at masayang balitang together sa Paris sila, may mga nagre-request ng Adulting 101 vlog. Ginawa nila ito bago pumutok ang balitang hiwalay sila, natigil lang at ngayong okay naman ang dalawa, sana raw ituloy nila ang kanilang vlog.

Ang ganda sanang tanungin si Chiz ng kanyang reaction sa apartment na binili ng asawa sa Paris. Wish din ng fans ni Heart magpa-apartment tour siya dahil excited silang makita ito.

Jak, inaaway ng fans nina Barbie at David!

Hala! Nag-aaway ang fans nina Barbie Forteza at Jak Roberto at supporters ng FiLay love team nina Barbie at David Licauco sa Maria Clara at Ibarra. May nag-comment kasi na sana hindi nag-post si Jak ng vlog ng celebration nila ng kanilang anniversary, masisira raw ang love team nina Barbie at Fidel.

Ayun, binalikan ang FiLay fan ang fans nina Jak at Barbie at ipinaalala sa kanya na bago pa magkaroon ng FiLay love team, matagal nang may relasyon ang dalawa. Ipinaalala rin ng JakBie fans na trabaho lang ang FiLay love team at iba ang personal life nila.

May mga nag-akala palang break na sila, kaya nang mapanood ang vlog ni Jak, natuwa ang fans nila.

Gerald, kumpirmado na sa buybust ni Anne

Tuloy na nga ang Buy Bust 2 dahil nakipag-meeting na sina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti kay Gerald Anderson. Pinost ni Direk Erik ang photo nilang tatlo na walang sinabing caption at emojis ng baril, kutsilyo, pana, sword at movie clapper ang pinost.

Sa mediacon ni Sen. Lito Lapid, nabanggit ng anak nitong si Mark Lapid na gagawin ng senador ang Buy Bust 2 at nabanggit ang pangalan ni Gerald. So, ito na ‘yun at siguro naman, si Anne Curtis pa rin ang female lead dahil madi-disappoint ang moviegoers na nakapanood ng Buy Bust 1 kung hindi na si Anne ang female lead.

And speaking of Gerald, hinihintay ang reaction niya sa interview ni Bea Alonzo kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy. Parang may finality na ang sinabi ni Bea na hindi na sila magiging magkaibigan pa. Ano ‘yun, kahit ba mag-sorry siya, hindi pa rin siya patatawarin nito?

 

Show comments