Marian, binunyag kung paano pinaliligaya ni Dingdong   

Dingdong at Marian

Noon pa ay la­ging sinasabi ni Marian Rivera na gusto niya talaga ng malaking pamilya kaya naman welcome na welcome sa kanya kung madadagdagan pa ang dalawa nilang anak ni Dingdong Dantes na sina Zia and Sixto.

Pero siyempre, tanging si Lord lang naman ang nakakaalam kung bibigyan pa ba sila or hindi na.

“Minsan talagang susubukan ka rin at sasabihin talaga ng Panginoon na siya talaga ang pinakamakapangyarihan kahit anong plano mo kung hindi ibibigay sa ‘yo, hindi,” sey ni Marian sa first episode ng Fast Talk with Boy Abunda aired last Monday.

“So kung anong plano ni Lord para sa amin kung bigyan kami ng pangatlong pagkakataon why not, hindi ba?

“Pero kung hindi, hindi na masama Tito Boy, meron akong Sixto ay Zia na super happy naman namin,” she said.

Natanong din si Marian tungkol sa issue ng selosan na siyempre ay hindi naman talaga nawawala sa isang relasyon. Ayon sa aktres, sila ni Dong ay pinag-uusapan at inuupuan talaga nila kapag may problema sila.

“Meron kaming heart-to-heart talk. Hindi ’yon nawawala sa amin at hindi nawawala sa amin ang date namin every month.

“Kailangan meron talaga kaming ganu’n. kailangang nag-uusap kami kung, ‘Anong problema, anong masaya, anong nangyari sa ’yo?’

“Siguro in a relationship magandang open kayo sa isa’t isa. Ako, very vocal ako, e. ‘Pag may nararamdaman ako, on the spot sasabihin ko sa kanya. ‘Ay, ayoko ito.’ ‘Ito ’yong nararamdaman ko.’

“So, alam na n’ya kung paano i-handle. At si Dong kahit hindi s’ya masalita, sa tagal ng pagsasama namin, nababasa ko na s’ya. So, alam ko kapag may problema s’ya, alam ko ‘pag masaya s’ya. Palagi kaming… in a way, sensitive kami sa isa’t isa lalo na sa nararamdaman namin,” pagbabahagi ng Kapuso Primetime Queen.

Sa tanong kung sino sa kanila ni Dingdong ang unang nangangalabit tuwing “may pangangailangan,” napasigaw si Marian at sagot niya, “Parang ano, parang parehas kami” sabay-tawa.

“Sino ang mas madalas?,” tanong ni Kuya Boy.

“S’ya! S’ya talaga!,” sagot ni Marian at nagkatawanan sila.

“Very ano kasi si Dong, napaka-sweet na tao. At ang maganda kasi kay Dong, kahit ganu’n ’yong nakikita n’yo sa kanya, pero sa totoong buhay sobrang lambot n’ya na tao. Sobrang lovable talaga.

“At saka ’yung comedy n’ya, ‘pag nagpapatawa s’ya, nakakatawa kasi parang hindi tuma-timing ’yong pagdyo-joke n’ya, na doon ako tawang-tawa. Alam n’ya kung paano ako paligayahin… literal,” sey pa ni Marian.

Napapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Show comments