Fabio, back in business sa Siargao

Fabio

Ang bongga naman ng Brazilian-Japanese model and actor na si Fabio Ide. Masaya nitong ibinalita na “back in business” na ang kanyang restaurant matapos ang matagal na pamamahinga.

Pansamantala niyang sinara ang kanyang Mexican restaurant sa Siargao nang mag-pandemic at tamaan ng Super Typhoon Odette ang isla noong 2021.

Maraming nasira sa isla noon at pati ang mga building ay napinsala.

Pinakita nito ang mga litrato ng kanyang restaurant at mukhang masasarap ang mga bagong pagkaing binebenta nito.

Siguradong dadayuhin ito ng mga pupunta ng Siargao. Bongga.

Show comments