ASAP, New Year party

Regine Velasquez

Bongga ang pagsalubong sa bagong taon, tampok ang maiinit na world-class treats mula sa Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Enero 1) sa New Year edition ng ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Simula pa lang ng 2023 ay itotodo na ang kantahan sa ASAP stage sa bigating Super Divas biritan nina Morissette, Nina, Klarisse de Guzman, at Regine Velasquez kasama sina Elha Nympha, Fana, at Lara Maigue. Hindi rin pahuhuli ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa bagong edisyon ng Sarah G Specials.

May pasabog na P-Pop collab naman ang Alamat at ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren, habang iinit din ang dancefloor sa Clash Dance hatawan nina Andrea Brillantes at Maymay Entrata. Aabangan din sa ASAP stage ang K-Pop dance cover ng dance royalty na si Kim Chiu.

Bigyang-pugay naman ang galing ng Pinoy sa unstoppable kantahan at sayawan nina Alexa Ilacad, KD Estrada, Kice, Enchong Dee, Jameson Blake, Angela Ken, at ng buong ASAP family kasama ang special guest performer na si Nik Makino. Makiki-party rin sa all-star salubong si Janine Gutierrez.

Samantala, makihugot naman sa senti hits kantahan ni Moira dela Torre kasama sina Anji Salvacion, Jeremy G, Ryssi Avila, Ann Raniel, Bryan Chong, Janine Berdin, pati ang balladeers na sina Ogie, Martin, Jed Madela, at Jason Dy. May hatid ding fresh treat ang OPM band na Nobita at special collab sina Gary Valenciano at Khimo Gumatay.

At itodo na ang pagsalubong sa bagong taon sa bigating duet performances nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Erik Santos, Morissette, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Sheena Belar­mino, Jason Dy, JM Yosures, Klarisse de Guzman, Sam Mangubat, Reiven Umali, at Darren sa The Greatest Showdown.

At least talagang tuloy pa rin ang ASAP.

Show comments