^

Pang Movies

Jessy, nagkaroon ng insecurity nang nabuntis   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jessy, nagkaroon ng insecurity nang nabuntis                  
Jessy

Inamin ni Jessy Mendiola na nakaramdam din siya ng insecurity habang ipinagbubuntis niya ang panganay nila nila ni Luis Manzano.

Ayon sa aktres, during the first few months of her pregnancy ay may times na nade-depress at nalulungkot siya kapag nakikita ang sarili sa salamin.

“As in dati, may abs ako tapos naka-swimsuit pa ako lagi. May mga bikini pictures pa ako,” sey ni Jessy.

Dagdag niya, “I really get insecure. People are saying kapag buntis ka, dapat lagi kang masaya. Pero honestly, mahirap sa akin tanggapin na talagang lalaki ako or magbabago ‘yung itsura ko.”

Pero habang lumalaki naman daw ang kanyang tiyan ay unti-unti na rin niyang natanggap ang mga pagababago sa kanyang katawan.

“Hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago ‘yung katawan mo. Mas lalo na kung you were active before the pregnancy.

“As months go by, kapag nakikita mong lumalaki ‘yung tiyan mo, doon mo maiisip na it’s all worth it kasi you are carrying a human inside of you,” she said.

Of course, napalaking blessing ang mabuntis pero matindi rin naman daw ang kalakip nitong sakripisyo in terms of body changes. Pero worth it naman daw lahat ng mga paghihirap.

“I’ve accepted that my body will change regardless of how much I try to live in the past. To all the expectant moms out there like me, remember… you have a growing HUMAN inside of you. It’s not easy, but it’s WORTH IT,” sey ng misis ni Luis.

Vina, kinumpirmang 21 years ago nang unang makilala ang nagpapatibok ng puso

Kinumpirma ni Vina Morales na may bago nang nagpapatibok sa kanyang puso ngayon. Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay niya ito inamin matapos ngang pag-usapan ang kanyang mga Instagram posts kung saan ay may kasama siyang guy habang nasa Boracay at sweet na sweet sila.

“Ako naman ay masaya. Inspired ako and kinikilig, tumitibok ang puso ko. It’s been a while, parang ang tagal na.

“I don’t want to give so much details but then na-post ko rin sa IG ko ‘yon na I met him 21 years ago. So ‘yung story namin is parang teleserye din,” pagbabahagi ni Vina.

Una niya raw nakilala ang guy nang mag-show siya sa Hawaii 21 years ago and at that time ay wala pa siyang anak.

“I met him when I did a show in Hawaii 21 years ago, wala pa akong Ceanna (her daughter).

“We’ve been in touch. And then bigla na lang I don’t know itong trip ko na ito, itong tour, he watched my show in Miami.

“And then doon na nag-start lahat, ulit. All the time he’s always been in touch, e-mail, hindi ko lang nababasa masyado, pati sa Instagram parang ganu’n. But he is really a nice guy,” kwento ni Vina.

Sa ngayon ay hindi pa raw niya alam kung saan sila dadalhin ni Lord.

“I am praying. Let’s see where God will lead us, bahala na. Hindi pa natin alam kung saan, basta pampapakilig okay na ‘yon, paminsan-minsan mag-post,” aniya.

Matatandaang huling nakarelasyon ni Vina ay ang French na si Marc Lambert. They broke up in 2017 dahil hindi raw nag-work sa kanila ang long distance relationship.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with