^

Pang Movies

Mark up uso pa?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mark up uso pa?!
Christopher

Gusto ko malaman ni Ana G. na nanggaling na sa Davao para sa promo ng Hercules Coffee si Christopher de Leon.

Enjoy si Christopher sa kabaitan ng mga Mangundadatu na may-ari ng Hercules Coffee. Mabait at mahusay kausap ang mga ito.

Kaya dapat maging honest sa dealing at huwag magsamantala para tu­magal ang business partnership ninyo.

Dapat kasi na tingnan mabuti ni Ana G. ang mga tao na dapat pakisamahan ng mabuti at maging honest sa dealing sa mga ito.

 Iyong lahat on the table, walang itinatago, dapat maging trustworthy sa pag-uusap lalo na at mabait ang mga tao na kausap n’yo.

Alam ko mga kalakaran sa showbiz, pero kung minsan nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari.

Hindi ko itinago kay Ana G. ang naging feeling ko sa nangyaring deal, medyo na off ako dahil sa lakas ng loob nila na gawin ito.

Pero ang talagang nakaloka sa akin iyon pati sa out of town meet and greet gusto pa rin nilang ibahin ang usapan.

Masarap kausap at ka trabaho ang mga taga Hercules Coffee, kaya sana makita ito ni Ana G. para huwag na niyang pasukan pa ng kung anuman pagbabago ang usapan.

Sayang iyong tiwala pag nawala, mahirap ng mabawi iyon, kaya dapat walang mark up, hah hah joke joke.

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with