^

Pang Movies

Aga at Charlene proud sa kambal na rumampa sa Paris   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Proud parents ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales dahil ang kambal nilang sina Atasha at Andres ay naging representatives ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris.  At tiyak na very proud din ang mag-asawang Congressman Richard Gomez and Ormoc City Mayor Lucy Gomez, dahil nanalo naman sa Open Fencing Championship ang only child nilang si Juliana, na ginanap sa Thailand. 

Si Cong. Richard ang nag-post sa Instagram niya ng pagbati sa anak: “Congratulations @gomezjuliana for winning the Thailand Open Fencing Championship.  May you keep on winning and bring more honor to the country.”

 Matatandaan na noon pang nag-aartista si Richard ay paborito niyang maglaro ng iba’t ibang klase ng sports at isa na rito ang fencing, na minana nga ni Juliana.

Ngayon ay pinasok naman ni Richard ang shotgun sports at nagku-compete at nananalo rin siya sa iba’t ibang countries.

Alden, ayaw ipilit ang love life

Congratulations to Start-Up PH leading man, Alden Richards, na napili ng Esquire Philippines as this year’s Entertainer of the Year.

Sa interview kay Alden, nagbalik-tanaw siya sa 11 years na niya sa showbusiness, na sa simula raw ay inakala niyang paying job lamang ito, pero after two years, naging passion na niya at marami na siyang natutunan. Hindi raw siya naniniwala sa failures, only lessons learned, dagdag pa niya never get tired of aspiring, of dreaming and being able to try new things. 

Siya man daw ngayong may mga corporations nang itinatag, ang Myriad Corporation at MXP Builders, Design-Build, ay pinag-aralan niya how to be a producer, a director, how to mount a show at nagtayo rin siya ng AR Foundation, Inc. para raw makatulong siya sa mas maraming tao, dahil nandoon daw ang fulfillment niya.

Sa tanong na bakit single pa rin siya until now, “it’s your choice if you don’t want to be single anymore, pero huwag mo ipilit, that’s one thing I’ve learned, huwag mo ipilit kung hindi pa time.  There’s always a perfect time for that.”

Ang Myriad Corporation ni Alden ang isa sa producers ng Huling El Bimbo ng Eraserheads na sabi’y sold-out na ang tickets kahit sa December 22, 2022 pa ang ito magaganap na SMDC Festival Grounds.

Meanwhile, nasa last four weeks na lamang ang Start-Up PH nina Alden at Bea Alonzo.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with