^

Pang Movies

Hitsura ng anak pinakita…Luis, umandar na naman ang pagiging buwang!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Hitsura ng anak pinakita�Luis, umandar na naman ang pagiging buwang!
Luis

Naloka ang mga kaibigan at followers ni Luis Manzano sa post niyang ayos baby girl at nakakatawa rin ang caption. Four pictures ang pinost ni Lucky na lahat ay cuuteee!

“Kinakabahan ako na baa ganito itsura ni Peanut, ngayon palang, sorry @jessymendiola wowow if ever.”

Isa sa nag-comment ay ang ‘kaaway’ ni Luis na si Alex Gonzaga na nagkaroon ng chance na makaganti sa pambu-bully ni Luis. Sabi ni Alex, “Oo nga! Haha sana sumipa dugo ni Jessy.”

Laughing emoji ang comment ni KC Concepcion at natawa sina Isabelle Daza at Jessa Zaragoza.

Kanya-kanyang pili ang netizens kung alin sa four photos ang maganda para sa kanila.

May nag-comment pa na umandar na naman ang pagiging buang ni Luis, may nag-sorry kay Luis dahil sana raw maging kamukha ni Jessy Mendiola at Vilma Santos si Peanut. May tumawag sa kanyang ‘Dora the Rat Killer’ at iba pang nakakatawang comments.

Gabbi, mala-Encantadia sa mega serye

Nakaramdam ng Encantadia feels si Gabbi Garcia habang nagt-training ng arnis sa tinawag na Mega Serye na gagawin ng GMA 7 dahil kasama niya sa training si Sanya Lopez at kasama nila sa series si Kylie Padilla. Magkakasama ang tatlo sa Encantadia na hanggang ngayon, binabalik-balikan pa ring panoorin at hinihintay ang sequel.

Hindi binanggit ang title ng Mega Serye pero, nalaman nang Princess Urduja ang sinasabing malaking serye na kung saan, si Sanya ang gaganap bilang Princess Urduja. Agents naman daw na naka-assign na hanapin ang nawawalang kuwintas ni Princess Urduja ang magiging role nina Gabbi at Kylie.

Kasama rin sa arnis training sina Rochelle Pangilinan, Michelle Dee, at Arra San Agustin. Hindi nakasama o hindi pa nakasama sa training si Kylie, pero sigurado nang kasama siya sa big cast.

Sa tanong kung bakit niya tinanggap ang project na sa training pa lang ay matrabaho na at physically exhausting? Sagot ni Gabbi, sanay siya sa mga ganitong kakaibang concept. Lalo na ang Princess Urduja na tungkol sa history ng Pilipinas.

Wala pang ipinasilip na male cast at hindi pa rin nababanggit ang official director. May nabasa kaming director, pero bakit fake news, kaya hindi muna namin isinulat.

Robi, pinigilan ng fiancee na maging maluho

Maganda ang rason ni Robi Domingo kung bakit nagdesisyon siyang mag-propose sa ngayon ay fiancee na niyang si Maiqui Pineda. Sa Shibuya Crossing pa nga sa Tokyo, Japan, nag-propose.

“She gives me so much purpose and we have the same goals. We have the same ideologies, and I just can’t stop talking to her. I love conversing with her, especially with ideas. Sometimes, I get to be distracted with certain luhos in the world and she would just hold me back and say this is the wants of the world and this is what we need and this is what you need to do. You are given a voice, use it wisely.”

Wala pang wedding date na in-announce sina Robi at Maiqui at ‘yun ang hinihintay ng marami. Nakakatuwa ang post ni Robi after mag-propose at sabi, “I’m officialy off the market.”

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with