^

Pang Movies

Dating mag-asawa na sina Maggie at Victor, may parinigan sa cave at talong na maliit!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dating mag-asawa na sina Maggie at Victor, may parinigan sa cave at talong na maliit!
Maggie Wilson at Victor Consunji

Katawa ang parinigan ng da­ting mag-asawang sina Maggie Wilson at bilyonaryong si Victor Consunji.

Tungkol sa cave at talong.

Naunang nag-post si Maggie ng : “If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women. #small” (eggplant emoji) issues.”

Siyempre ang mga asyumera, agad-agad nag-conclude na may pinariringgan ang dating artista at beauty queen na may maliit na talong at alam na raw kung sino ‘yun.

Pero sumagot si Mr. Consunji ng bonggang hashtag din.

Ginamit niya ang picture na nasa cave siya.

#EasyToFeelSmallinSuchABigCave

#YouKnowThisPlaceIsNextToABeach

#AllICanSayIsThisBeachHasAHugeCave

#ThisCaveMUSTbeRoyalty

Patalbugan ng hashtags kaya ang natutuwa, ang ibang netizens na kinakarir ang pang-i-stalk sa ibang mga celebrity na may mga personal na isyu.

Pero hindi nagpakabog ang sinasabing diumano’y ‘third party,’ si Tim Connor. Diumano’y lang.

Nag-post kasi siya ng : “A huge cave for you?

“Only after you told me to explore.

“You can’t beat European engineering @hublot.”

Parang promo rin ‘yun ng product pero pasok sa animo’y parinigan ng da­ting mag-asawa na umabot na sa demandahan.

So magtataka pa ba kayo kung bakit nabawasan ang interes ng tao sa panonood ng TV at sine?Obvious, na mas gusto nila ang drama sa totoong buhay.

MAGGIE WILSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with