^

Pang Movies

Aktor, ang daming busisi sa gagawing teleserye sa nilipatang network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May nakita kaming picture ng isang magaling na aktor kasama ang isang resident director ng network na obviously, nagmi-meeting. Ibig kayang sabihin nito, matutuloy nang gumawa ng teleserye sa kanyang nilipatang network ang aktor?

Ang sabi, kaya hindi pa matuluy-tuloy ang paggawa ng teleserye ng aktor dahil pinipili ang makakatrabahong director. Naiintindihan ito ng network, kaya hindi rin nila minamadali ang aktor. Baka nga pati story at cast na makakasama sa teleserye, may say rin ang actor na again, naiintindihan ng mga bos­sing ng network at ibinibigay nila ito.

Ganitong nakipag-meeting na ang aktor sa director, malamang matuloy na ang paggawa niya ng teleserye.

Erika at Kobe, ok na ulit!

Para na ring may serye ang love story nina Erika Poturnak at Kobe Paras dahil may update. Kung noong isang araw, nag-unfollow-an sa Instagram ang dalawa, noong isang araw, they follow each other na naman.

May update rin sa IG ni Kobe, hindi na “No posts yet” ang status kundi “This account is private” na ang status. Zero posts pa rin at tila wala pang balak mag-post o ibalik ang dinelete niyang posts.

As for Erika, wala pa siyang bagong post at ang huling post na kumakanta siya ay hindi pa sinusundan.

Toni, ayaw tantanan ng cancel culture

Uso pa rin pala ang cancel culture kahit matagal ng tapos ang election at si Toni Gonzaga ang puntiryang i-boycott ng Kakampink. Nalaman kasing si Toni ang endorser ng isang bottled water kaya napagkasunduan ng mga Pinklawan na i-boycott ang nasabing brand ng bottled water.

Ang iba nga, hindi lang ang nasabing bottled water ang ibo-boycott, pati ang iba pang endorsement ni Toni. Isama na rin daw ang cake, toothpaste at pati ang internet provider. Pati endorsement ni Alex Gonzaga, ibo-boycott na rin daw nila.

May Kakampink na employee ng bottled water na nakiusap na ‘wag nilang i-boycott ang nasabing brand ng bottled water dahil maaapektuhan silang mga emple­yado. Saka, 2018 pa raw endorser nito si Toni, baka in-update lang ang photo, pero mukhang ayaw papigil ang mga gustong i-boycott ang mga ini-endorse niyang produkto.

And speaking of Toni, nagsimula na ang shoo­ting ng Metro Manila Film Festival entry niyang The Teacher kasama sina Loisa Andalio, Ronnie Alonte at Joey de Leon. Produced ito ng Ten17P production ni Paul Soriano na siya ring director.

Wala pa naman kaming nababasang panawagang i-boycott ng Kakampink ang nasabing pelikula.

KOBE PARAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with