^

Pang Movies

Gerald, nag-’delete’ nang makita si Bea!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gerald, nag-âdeleteâ nang makita si Bea!

Inintriga ng social media users ang ginawa ni Gerald Anderson.

Bigla kasi nitong binura ang comment niya sa post ng best friend forever niyang si Rayver Cruz na kasama sa sold-out two-night concert ng GMA Pinoy TV sa Amerika nitong weekend, Sept. 24 and 25!

Bukod kay Rayver, kabilang sa Together Again US concert sina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Lani Misalucha at Julie Anne San Jose.

Kaya naman panay ang post ni Rayver ng souvenir photos nila kasama si Julie Anne at sina Bea and Dingdong. Ang caption niya sa isa sa mga post niya ay “back in the city of angels.”

Pero series of photos ‘yun at siguro hindi swi­nipe ni Gerald at biglang nag-comment ng “without me? (with crying emoji).”

Sa second photo ay kasama ni Rayver si Julie Anne at sa third ay anduna sina Dingdong at Bea.

Ang ending, kinuyog ang nasabing post dahil maraming nakapansin.

May ganun kasi, baka nga ‘di agad siya nag-swipe.

Malamang daw, natakot ito kay Julia Barretto.

Common knowledge ang pagiging BFF ng dalawang aktor kahit magkaiba na ang kanilang network.

Lea, legit ang tatanggaping award sa Singapore

Kabilang si Lea Salonga sa tatanggap ng TIME100 Impact Awards sa Singapore.

Kasama sa pinangalanan ng TIME bukod kay Lea sina Alia Bhatt, akcor at producer; Gregory L. Robinson, dating direktor ng James Webb Space Telescope Program at Dr. Pardis Sabeti, computational geneticist.

Upang ipagdiwang, magho-host ang TIME ng isang cocktail party para sa nabanggit na apat na awardee sa Oktubre 2 na gaganapin sa National Gallery Singapore at ang seremonya ay susundan ng isang viewing party para sa Formula 1 Singapore Grand Prix ayon sa kanilang story sa website.

Kinikilala ng Time 100 ang mga taong malaki ang naimbag sa kanilang ginagawalang industriya at gumawa ng hindi pangkaraniwan upang hubugin ang kinabukasan ng kanilang mga kasamahan sa industriya at sa buong mundo.

Legit at ‘di basta-basta ang nasabing parangal kay Lea kumpara sa iba na hanggang social media lang ang batayan.

Janice at Sharmaine, ‘di tumanggap ng TF sa sugat...

Walang mahaba o maiksing role sa mahusay na artista.

At ‘yan ang pinatunayan ni Janice de Belen sa mga nanood ng HIV/AIDS advocacy film na Sugat sa Dugo (Wounded Blood) na nagkaroon ng successful red carpet premiere sa SM North EDSA The Block Cinema 3 kamakailan.

Deserve nga ni Janice ang best actress award mula sa 2021 International Film Festival Manhattan Autumn para sa short film version ng Sugat sa Dugo, maiden offering ng beauty guru na si Bambbi Fuentes at kaibigang Cristine Areola ng Bait Lehem House of Breads para sa Dragon Entertainment Productions.

Ginampanan niya ang isang inang nang-iwan sa mga anak (ginampanan ng mga baguhang sina Khai Flores, Christa Jocson at Mira Aquino) para sumama sa ibang lalaki. Pero ramdam na ramdam naman ang pagmamahal at pagsisisi nito nang magkasakit ang isa sa anak ng AIDS.

Iiyak at talagang mararamdaman mo ang bigat ng kanyang character.

Marami actually ang mata-touch sa eksena nina Janice at Khai sa ospital at sa chapel, nung malala na ang sakit ng anak nito.

Tama ang aktres sa pagsasabi na ang pelikulang Sugat sa Dugo ay isang paalala na hindi lamang Covid-19 ang dapat bantayan ng publiko kundi maging ang iba pang mga sakit gaya ng HIV/AIDS, dengue, atbp. na sa ngayon ay nababalewala dahil halos lahat ay nakatutok lamang sa pandemya.

Bukod kay Janice, mahusay ding ginampanan ni Sharmaine Arnaiz ang character niya bilang isang mamasang sa pelikula.

Maiksi rin lang ang role ni Sharmaine sa Sugat Sa Dugo pero ang galing niya.

First time niyang gumanap na mamasang.

Actually natawa nga siya dahil noon daw ang ginagampanan niya ay role ng mga dancer o pokpok, pero baliktad na ang mga pangyayari, siya na ang mamasang.

Marami siyang tinanggihang offer sa takot sa COVID. Pero ‘di niya nahindian ang kaibigang si Bambbi.

Parehong ‘di tumanggap ng TF ang dalawang mahusay na aktres sa nasabing pelikula.

Mula sa story at screenplay mismo ni Bambbi, ang passion project niyang Sugat sa Dugo ay idinirek ni Danni Ugali.

Kasama rin sa cast si Sharmaine Arnaiz at dalawa pang talents ng Dragon Talent Management na sina Shira Mae Tweg at Mosh Gerodias.

Mapapanood na ito sa mga piling sinehan simula ngayong Miyerkules, Sept. 28.

GERALD ANDERSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with