^

Pang Movies

Nanganak na... Angelica, idinisplay na ang baby!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nanganak na... Angelica, idinisplay na ang baby!

Umaapaw ang pagbati sa panganganak ni Angelica Panganiban kahapon.

Kalahati pa lang ng mukha ng baby nila ni Gregg Homan ang pinakita ni Angelica.

“Bean waiting for you all my life

“Amila Sabine Homan

“9•20•2022,” aniya sa kanyang caption.

Napa-OMG si Kim Chiu na isa sa mga nagbigay ng maraming regalo para sa baby ng kaibigan.

“OMG!!!!! Ayan na sha!!!!!congratulations momsy!!!!!! hello queen B!!!!!!”

Sabi naman ni Cherry Pie Picache na naging bridge para magkakilala ang dalawa : “naku naman!!!!!abujing jing sabine”

Heart, inirampa ang mga kutsara at tinidor sa Milan

Aliw ang mga comment sa post ni Heart Evangelista na “on my way to my dinner” dahil ang suot niyang suit and skirt at kutsara at tinidor ang accent at ang caption niya ay : “Adobo and extra rice please dinner is served in @moschino of course”.

Komento ng isang netizen, “Yung friend mong Tirador ng utensils sa Jollibee. Ems!”

Kasalukuyang nasa Milan si Heart para sa fashion week doon.

Nasa Milan Fashion Week din ngayon si Alex Gonzaga. Kasama ni Dr. Vicki Belo.

“HOY nasa #MilanFashionweek ako at yes wala sila pakialam dito. konting pansin namam guys! Thank you dra @victoria_belo for the invite!!!!,” caption ni Alex na dumidilat-dilat pa.

Meron pang upload si Alex na : “to the #milanfashionweek org, picture nyo din naman ako kahit isa lang pagusapan nyo yan internally haha buti magaling @dochayden magpicture.  #mfw #belobeauty.”

Pero iba na siyempre ang level ni Heart pagdating sa fashion scene.

Pinag-uusapan na kanyang mga sinusuot.

Pero dedma si Heart sa mga patuloy na nagtatanong kung ano ba talagang status nila ng asawang senador.

Kinumpirma ng isang source na nakabili na nga ng apartment si Heart sa Paris kaya hindi muna ito babalik ng bansa at haharapin na talaga ang career niya sa Europe.

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with