^

Pang Movies

Sharon, nanghihingi ng dasal para sa may sakit...

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Dasal para sa may sakit ang naka-post sa Twitter at Instagram account ni Sharon Cuneta.

Nagsusumamo si Shawie ng dasal para sa isang kaibigang hindi niya pinangalanan na nasa ICU ngayon dahil dumanas ng “silent stroke.”

Bahagi ng tweet at post sa IG nia Shawie, “Hindi ko na kaya, I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya.

“Hindi ko na kaya. Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much soon.

“Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for my friend.”

Ibinalita rin ng Megastar na ang isa niyang babaeng pamangkin ay may cancer sa edad na 25.

“Please, please be our prayer warriors and help us to pray for her healing too…Maraming salamat po,” panawagan ni Sharon.

Miguel, Angel ang tingin kay Ysabel

Anghel ang deskripsyon ni Kapuso actor Miguel Tanfelix sa co-star niya sa What We Could Be na si Ysabel Ortega.

Matutunghayan na ang chemistry nina Ysabel at Miguel sa unang joint venture ng GMA at Quantum Films.

Eh nang magkaroon nga ng special screening ang coming GMA series, kitang-kita kay Miguel ang pagki-care kay Isabel, huh!

Wala man direktang pag-amin sa dalawa sa status ng kanilang relationship, nagdarasal din ang kanilang fans at netizens na mag-level up ang kanilang friendship sa mas seryosong relasyon!

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with