^

Pang Movies

Dating Kapamilya aktor na nambitin ng dalawang beses, blacklisted sa gustong pasukang network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Gustong magbalik-showbis ang aktor na ito na dating Kapamilya aktor, dati dahil matagal na siyang walang kontrata sa Star Magic at sa ABS-CBN.

Sa ibang network na sana gustong magtrabaho ng nasabing actor at nagpapatulong makapasok sa nasabing network sa mga nakatrabaho dati.

 Ang problema, may record na sa network na gustong pasukan ang aktor. Noon pa pala siya kinukuha para sa shows ng network at may shows na sana siyang gagawin. Tinanggap nito ang project pati ang role na ibinigay sa kanya. Kaya lang, hindi ito dumating sa taping na naka-schedule, kahit pinirmahan ang call slip.

May alibi ang aktor na tinanggap ng network, kaya clean slate na siya. Binigyan uli ang actor ng project, sinabi ang title ng project at ang kanyang role at pinirmahan uli ang call slip. Kaya lang, sa taping day, hindi na naman dumating ang aktor at may rason na naman siya.

Kaya lang, hindi na pinaniwalaan ang rason niya, blacklisted na siya sa network, ayaw na sa kanya ng network, kaya nang magparamdam na gusto niyang magtrabaho sa network, ayaw na siyang paniwalaan.

Dinedma ang feelers niya, kaya lang, nagpapatulong nga siya sa mga kaibigang working in the network now, tingnan natin kung may magagawa ang kanyang mga kaibigan para kalimutan ng network ang dalawang beses na hindi pagsipot ng aktor sa taping.

Kim Domingo, may ginawang kanta sa namatay na BFF!

Recording star na rin si Kim Domingo at pinost nito ang larawan niyang nasa Yellow Room Recording Studio recording the song na siya mismo ang composer. Hindi nabanggit ni Kim ang title ng song na naalala naming nabanggit niya dati na sinulat niya para sa best friend niyang namatay.

 In fact, may video post si Kim ng kaibigang pumanaw dahil daw sa lung disease. Ang caption nito, “Today marks the second year death anniversary of my best friend. Also today marks the first time that i’ll be sharing with all of you as a sneak peak of the first song i’ve ever written. Were also on the process of making the song’s music video. This will all be released soon and I can’t wait for you guys to hear it.”

 Tama ang fans ni Kim, complete package ang aktres na kasama sa cast ng Start-Up PH,  hindi lang siya maganda, sexy, marunong pang umarte tapos composer pa pala. May mga nakita pa kaming photos na naggigitara at nagpa-piano si Kim at at baka may iba pang musical instrument siyang alam.

Anne at Sarah, wish ng fans na mapanood sa GMA

Mga Viva artist ang kabilang sa guests sa The WallPH  na sa GMA-7 na mapapanood simula sa August 28. Naispatan sa taping ng game show na host pa rin si Billy Crawford sina Matteo Guidicelli, Marco Gumabao, Jerald Napoles, at girlfriend na si Kim Molina.

Nakita rin sa taping sina Andrea Torres, Max Collins, Arra San Agustin, Shaira Diaz,  Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Winwyn Marquez, at Joey Marquez. Spotted din sa taping si Nico Bolzico.

Hindi pa namin napapanood ang The Wall  kahit noong nasa TV5 pa, kaya hindi namin alam kung paano ang mechanics nito.

  Matupad kaya ang wish ng fans na mag-guest din sa game show ang iba pang Viva artists gaya nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, at iba pang Viva artists dahil collab project ito ng Viva at GMA Network?

KIM DOMINGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with