^

Pang Movies

Nora, makikipag-sampalan  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora, makikipag-sampalan               
Nora

May kasagutan na naman pala sa tanong namin kung bakit hanggang ngayon, matapos na siya ay ideklarang National Artist ay wala pang nasisimulang project para kay Nora Aunor.

Mayroon naman pala, na ang sabi ay isang fictionized bio film daw na tri­bute sa beteranang aktres na si Anita Linda na yumao mga dalawang taon na ang nakararaan.

Pero may sinabi pa sila, for the first time raw sa limang dekada niyang career, ngayon lang lalabas na kontrabida si Nora ­Aunor, at ang bida ay isang baguhan.

Ang sinasabi pa “may sampalan din sa pelikula,” aba ‘di parang ‘yung pinasikat ni Cherie Gil na “You’re nothing, but a second-rate trying hard copycat!”
Kung sakali naman daw, nangako ang bagong NCCA Chairman na si Rene Escalante na tutulong ang kanilang ahensiya sa pelikula ng national artist.

Siguro naman may idea na sila kung papaano.

Kung tatawagin din nila ang mga businessman na bumili ng tickets, at ipamigay ang ticket sa sinehan “alang-alang sa sining” walang dudang kikita rin iyon.

Iyon nga lang, hindi masasabing iyan ang unang indie na kumita. Ang unang indie na kumita ay pelikula ni Daryl Yap kahit na lait-laitin pa iyon ng mga lehitimong kritiko ng pelikula.

Sa kanila ang mahalaga ay kumita. Kasi kung hindi kikita ang pelikula, uulit pa ba ang mga investor nila?

Kaya iyang mga indie, iba-iba ang financiers niyan bawat gawin nila kasi nalulugi ang kanilang financiers.

Buti nga ngayon nakakagawa sila ng mas maliit pa ang budget na inilalabas naman nila sa internet.       

Sa tipo ng kuwento, isang indie talaga ang gaga­wing pelikula ni Nora. Hindi ba siya maaaring igawang muli ng pelikulang gaya ng Himala, Tatlong Taong Walang Diyos, o Minsan Isang Gamu-gamo na ginawa niya noong araw?

Art Toys ni Heart, pa-sold out agad

Magkakaroon daw ng art toys exhibit si Heart Evangelista sa Secret Fresh Gallery sa August 28.

 Ito ay mga display toys na pinintahan at nilikha mismo ni Heart.

Iyong sanay nang makakita ng kanyang mga painting, mapapansing ang mga ginawa niyang toys ay kamukha rin ng mga nasa paintings niya.

May ipagbibili raw, 50 sets lang. Pero hindi natin kayang bilhin iyon dahil daang libo ang bawat set. Pero mukhang marami nang mga milyonaryong nag-aabang dahil sinasabi ngang hindi pa nagsisimula ang exhibit, may mga reservation na at mukhang halos sold out  na lahat iyon.

Suwerte si Heart, dahil ngayon maraming painters ang gutom, ang daming obra wala namang buyers dahil mahirap ang buhay.

Aktor nasadlak na sa pulitika

Mukhang madilim na rin ang pananaw sa buhay ng isang actor na nagpahayag pang i-unfriend na lang daw siya ng mga kakilala niya at kaibigan na hindi umaayon sa kanyang paniniwalang political.

Nagtataka kami kung bakit ganoon dahil hindi naman siya pulitiko, at kahit noon hindi nahalo sa pulitika, maliban siguro sa pagkanta-kanta sa mga
rally kung may kumukuha sa kanya.

Palagay namin may mabigat na dahilan kaya siya nagkakaganyan sa ngayon.

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with