Billy at Coleen peaceful ang buhay!

Ang ganda-ganda namang tingnan ng family ni Billy Crawford. Ang cute ng anak nila na si Amari at parang ang ganda-ganda ni Coleen Garcia.

Gusto ko talagang maging happy at peaceful ang buhay ni Billy dahil napakabait ng mother niya.

Go and spread your wings, Billy!

Ruru, suwerte sa Lolong

Siguro kahit sino pa ang gumanap na Lolong, magiging successful ito, Salve. Kasi ang ganda talaga ng istorya, mahusay ang directing, maganda ang effects. For sure dahil sa lahat ng ito kaya nag-shine si Ruru Madrid.

Malaking bagay talaga ang maging isang team ang lahat para magtagumpay ang isang project. Ito ang naging malaking suwerte ni Ruru Madrid dahil sa kanya napunta ang project.

Bongga siya, hindi na niya kailangang maghirap sa una niyang project, bongga agad. Top rater at hindi talaga matibag ang high rating nito dahil talagang nagustuhan na ng manonood.

Watch Lolong, GMA 7, bongga.

Show comments