^

Pang Movies

‘Biglaang pagkakasakit, mahirap tanggapin’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ewan ko kung dahil sa dialysis o baka epekto rin ng mga gamot ko, Salve, pero talagang parang lutang lagi ang utak ko.

Iyon bang feeling na parang hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari.

Parang isang ilusyon lang ang mga nagaganap sa akin.

Talagang hindi pa nagsi-sink in ang mga pangyayari sa utak ko.

Basta para lang siyang dumaan na bagay sa harap ng mga mata ko.

Talagang isang biglaan bagay itong pagkakasakit ko. Kaya tuloy hindi ko pa siguro matanggap.

Para lang siyang isang panaginip. Kaya tuloy kung minsan nagtataka ako kung bakit pumupunta ako ng hospital, o kung bakit may catheter ako sa leeg.

Talagang isa siyang masamang panaginip. Malay mo biglang magising akong magaling na ako.

Hahahaha. Kaloka. Naku sana nga talaga.

Isa pang naisip ko na ‘pag hindi ka dinadalaw ng doktor mo ‘pag araw ng checkup mo, parang isang abandoned child ang feeling mo.

Para bang ‘yung meron kang court hearing na hindi dumating ang lawyers mo.

‘Yung emotional strength na binibigay ng presence ng doktor sa isang pas­yente ay napakalaking bagay pala. Iyon bang feeling mo meron kang angel sa tabi mo, na huwag kang mag-alala, ang lakas ng dating sa emotional stability mo.

Ganyan pala iyon, kaya pala clinging kung minsan ang mga pasyente sa kanilang doktor.

Napakahalaga pala ng presence nila sa kalagayan ng pasyente.

Salute doctors and nurses, we love you.

DIALYSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with