^

Pang Movies

Billy, pinaghahandaan ang pagiging Kapuso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Billy, pinaghahandaan ang pagiging Kapuso
Billy

Sa four hours ko dito, sa dialysis ko, nabalitaan ko na hindi tuloy ang presscon nina Billy Crawford para sa bago niyang programa sa GMA 7 na The Wall na partnership ng Viva at Kapuso Network.

Siguro dahil nga mabilisan kaya may mga paghahanda na kailangang gawin.

Ngayon nga na ayos na lahat siguro tuloy na rin ang presscon.

Tiyak na magiging masaya ang lahat. Alam naman natin ang pagiging masayahin nila Billy, kaya laging good vibes ang dala niya sa lahat.

Matagal ko nang kilala asi Billy na so far maganda ang career hanggang ngayon.

Mga nagkakasakit, nagkakaroon ng depression

Alam ko na, Salve, kung bakit ‘yung ibang maysakit nagkakaroon ng depression. Kasi nga ‘pag maysakit ka pala bukod sa mababa ang energy mo, parang may self pity kang nararamdaman. Iyon bang feeling na bakit ako, hindi ko naman inaabuso ang katawan ko.

Siguro nga mas lalo pang sad ‘yung merong financial concerns, dahil siyempre magastos din ang magkasakit. Talagang hindi mo maiiwasang ma-depress at malungkot.

Pero ‘pag may support group ka, nagiging matapang at malakas ang loob mo. Gaya ko nga na minsan feeling ko wala namang problema bakit ako sinasabihang maysakit, dahil nga ang lakas ng loob ko na ang dami kasing nagpapakita ng pagmamahal sa akin, for that forever thankful and grateful ako.

BILLY CRAWFORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with