^

Pang Movies

Garrett, hindi plinano ang Miss Saigon   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Garrett, hindi plinano ang Miss Saigon              
Garrett

Congratulations to The Clash Season 1 Finalist and Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden. Tuloy na tuloy na ang kanyang theater debut in the musical stage production of Miss Saigon in Guam. He will be playing the role of John Thomas, an American GI deployed in Saigon during the Vietnam War, and the best friend ng bidang si Chris Scott.

Para kay Garrett, unexpected at brand new experience sa kanya ang pagkasali niya sa Miss Saigon. “Hindi ko po plano na mag-audition dito, nagkataon lang na ang friend ko ay nagsabing may auditon for a theater. Bago po sa akin iyon, although noong high school ako, nag-theater na rin ako, but iba po ito ngayon,” kuwento ni Garrett. “’Yung song na kakantahin ko, ang Bui Doi, actually hit me, somewhere kasi sa song, naka-relate ako, dahil I had this time before  na I was looking for my real dad. Siguro po, naibigay ko iyong feelings sa audition song, naging way para ma-consider nila ako for the next stages of auditions.”

Kaya pansamantala munang hindi mapapanood si Garrett every Sunday sa GMA’s All-Out Sundays dahil this September, 2022, tuloy na ang performance niya sa Miss Saigon, Guam.

Kylie, itinuring na perfect comeback ang bolera

Nasa last two weeks na lamang ang first sports serye ng GMA Network, ang Bolera. Ayon kay Kylie Padilla sa interview sa kanya, nang tanggapin niya ang offer, itinuring na niyang ito ang perfect comeback show para sa kanya, after niyang magpahinga ng three years sa pag-arte. Nagpasalamat siya sa viewers dahil since the start, sinubaybayan na raw nila ito, kaya naman in turn, pinagbuti niya ang trabaho, pinag-aralan niyang mabuti ang character ni Joni, lalo na ang paglalaro nito ng billiards.

Nagpasalamat din is Kylie sa leading man niyang si Rayver Cruz. Hindi nila first time magkasama sa isang project, ginawa na nila noon ang horror movie na Dilim in 2014. “Pero dito sa Bolera nakita kong mahusay siyang drama actor, kahit kung minsan, joker din siya sa set, sa mga mabibigat na scenes namin, ang galing ni Ray, kahit maraming distractions, tuloy pa rin siya sa pag-arte, madadala ka.”

Ang Bolera ay napapanood gabi-gabi, 8:50 p.m., after Lolong, sa GMA 7.

The Wall PH, aabot ng P10M ang mga papremyo

Marami nang nag-aabang sa bagong game show na The Wall PH, ng GMA and Viva Communications, Inc., na minahal sa Amerika at ngayon ay magbibigay-saya naman sa bawat Kapuso viewers.

 To be hosted by Billy Crawford, ngayong August na ito magsisimulang mapanood every Sunday sa GMA 7, na ang prizes na maiuuwi ng guest player ay maaaring umabot hanggang P10 million.

Mukhang exciting panoorin ang The Wall PH, abangan kung kailan ang actual airing nito ngayong August.

KYLIE PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with