^

Pang Movies

Barbie nagsalita sa pagpapaayos ng boobs at ilong  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Barbie nagsalita sa pagpapaayos ng boobs at ilong             
Barbie

Pinabulaanan ni Barbie Imperial ang kumalat na balitang dumaan ito sa pagpaparetoke ng kanyang katawan.

Sa kanyang vlog na “Most Savage Questions,” unang sinagot ni Barbie ang katanungan kung nagpalaki na ito ng dibdib at nagpaayos ng kanyang ilong? “Hindi po ako nagpaayos ng ilong. Totoo po ‘yan. ‘Yung boobs ko naman, hindi ko rin pinaayos ‘to. Kasi kung pinaayos ko ‘to guys, sana pinapantay ko, ‘di ba?” tawa pa niya.

Pero nilinaw din ng aktres na wala siyang problema sa mga sumasailalim sa pagpaparetoke lalo pa’t kung makakatulong ito na maka-boost ng confidence sa sarili. “First of all, I have nothing against dun sa mga nagpapa-enhance ng mga katawan nila. Kasi siyempre, gusto nilang maging mas confident. Hindi tayo dapat makialam sa ang mga ganitong bagay dahil hindi rin natin pera ang ginamit nila,” diin pa niya.

Will Smith, ‘di pa napapatawad ni Chris Rock

Nag-post ng bagong emotional apology video ang aktor na si Will Smith dahil sa pagsampal niya kay Chris Rock sa gabi ng Oscar Awards.

Sa naturang video, sinabi ni Will na sinubukan na niyang mag-reach out kay Chris, pero hindi pa raw ito handang kausapin siya.

Kahit na nanalo noong gabing iyon si Will ng best actor para sa pelikulang King Richard, na-overshadow naman daw ang victory niya dahil sa ginawa niyang hindi tama.

Bukod kasi sa pag-ban sa kanya ng Academy na hindi siya puwedeng dumalo ng kanilang event for 10 years, maraming proyekto ng aktor ang hindi na natuloy gawin dahil sa naging reputasyon niya.

Heto ang ilang parts ng kanyang ­apology video: “Chris, I apologize to you. My behavior was unacceptable. And I’m here, whenever you’re ready to talk. I want to apologize to Chris’s mother. I saw an interview that Chris’ mother did and, you know, that was one of the things about that moment I just didn’t realize, and, you know, I wasn’t thinking, but how many people got hurt in that moment. So I want to apologize to Chris’s mother. I want to apologize to Chris’s family.

“I wanna say sorry to my kids and my family for the heat that I brought on all of us. To all my fellow nominees, you know, this is a community, It’s like I won because you voted for me. And it really breaks my heart to have stolen and tarnished your moment.”

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with