Tadhana, Wish Ko Lang, at Imbestigador, may livestream na!

MANILA, Philippines — Good news para sa mga Kapuso na laging nakatutok sa afternoon shows ng GMA Network dahil simula noong July 23, mapapanood na rin via live streaming ang GMA Public Affairs shows na Tadhana, Wish Ko Lang, at Imbestigador.

Hindi na malulungkot ang mga viewer na wala sa kanilang bahay tuwing Sabado ng hapon at ‘di makakapanood sa TV. Basta’t online sila, pwede na nilang mapanood ang nasabing mga show nina Marian Rivera, Vicky Morales, at Mike Enriquez sa pamamagitan ng live streaming.

 Pumunta lang sa official YouTube account (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs) at Facebook page ng GMA Public Affairs (https://www.facebook.com/gmapublicaffairs)  tuwing Sabado, 3:15 p.m. para mapanood ang nasabing mga programa.  

 Bukod sa nakapanood sila real-time, magkakaroon din sila ng chance na makakwentuhan ang ilang Kapuso stars!

Show comments