Masterchef: Legends, napapanood na

MANILA, Philippines — Ipinapalabas na sa Metro Channel ang MasterChef: Legends, ang 11th season ng isa sa most-watched cooking shows sa Amerika. Tampok sa exciting reality competition ang award-winning chef na si Gordon Ramsay, respetadong chef na si Aarón Sánchez, at kilalang restaurateur na si Joe Bastianich bilang main judges kasama ang iba pang culinary legend guests na huhusga sa 15 cooks na maglalaban-laban para sa pagkakataong maging susunod na  Masterchef sa Amerika. Mapapanood na ito simula sa Sabado (Hulyo 2), 9 p.m. sa Metro Channel.

 

Show comments