^

Pang Movies

Sandy at Millet, nadugtungan ng anghel ang buhay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sandy at Millet, nadugtungan ng anghel ang buhay
Sandy Andolong

Amazing ang medical science natin ngayon. Lahat halos ng part ng body natin puwedeng palitan, kidney, lungs, liver, at kahit pa nga ang heart puwede nang transplant. Naisip ko kung paano humaba ang buhay ng mga nagkaroon ng donor ng kailangan nila ang kidney, like sina Sandy Andolong at Millet Mortiz. 

Suwerte na nang naghahanap sila ng donor merong available para magbigay sa kanila. Talagang anywhere may matatagpuan kang angel na magdurugtong sa buhay mo. For that dapat lang na maging grateful at thankful ka. Kaya hope is eternal, hindi dapat nawawala sa isang tao. Ang kailangan lang talaga maging handa ka financially sa mga haharapin mong gastos dahil medyo mahal ang medical procedures sa atin. 

Pero basta handa ka sa lahat, there is hope, at number 1 talaga ang prayers, dahil si God lang ang master ng lahat ng bagay.

Marian, maalaga sa katawan 

Nagtataka ako kung bakit dalawa na ang anak ni Marian Rivera, pero parang mas mukhang nanay si Bea Alonzo. 

Dahil kaya mas alaga ng Kamiseta Skin ni Cris Roque si Marian dahil mas effective itong endorser kesa kay Bea?

 Saka bakit ganun, nag-breastfeed pa si Marian pero sabi ng designer na si Leo Espinosa parang ang mukhang mas lawlaw ang boobs si Bea. 

Ano kaya ang dahilan at mukhang losyang daw si Bea? Dahil kaya masyado siyang power tripper at ‘yung bitterness niya sa buhay apektado ang physical looks niya kaya ganun. Dahil siyempre wala siyang Dingdong Dantes at dalawang magandang anak, baka meron siyang jealousy na nadarama kay Marian at siyang dahilan kung bakit meron siyang negative aura, hindi kaya? 

Noon kasi na hindi pa alam ng tao na may ugali palang mamili at magpa-cancel ni Bea ng writers na ayaw niya, tingin mo sa kanya parang anghel na ang ganda at very sweet. Nagkaroon lang ng panahong pag-aralang mabuti ang tunay na ugali niya ng hayun, namimili na siya ng invited guest, at power tripping na inaalis sa listahan pati mga invited ng producer. 

Biglang nakita ang dark side ni Bea, at ngayon bawas ganda na siya kaya nakikita mo na ang wrinkles pati ang push-up breast. Hah hah, kaya enjoy sina Gorgy at Salve na kay Bea Binene na lang humanga dahil legitimate young star na tunay na sweet, hindi tulad ni Bea Alonzo na sweet and sour old lady. 

vuukle comment

SANDY ANDOLONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with