^

Pang Movies

Kylie, nagpahabol ng ‘message’ kay Aljur!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kylie, nagpahabol ng �message� kay Aljur!

Tapos na ang Father’s Day nang maglabas si Kylie Padilla ng mensahe sa Araw ng Mga Tatay sa ex-husband niyang si Aljur Abrenica.

Sa kanyang Instagram stories inilabas ni Kylie ang picture ni Aljur kasama ang mga anak na sina Axl Romeo at Alas Joaquin na may caption na, “Belated happy father’s day.”

Hiwalay man sina Kylie at Aljur, friends pa rin sila.

Dating na ngayon ang Bolera lead actress habang ang sexy star na si AJ Raval ang nali-link sa aktor.

Marian, walang fake news sa endorsement

Hindi fake news ang dati nang sinasabi ni Marian Rivera na ginagamit muna niya ang isang produkto bago tanggapin bilang ambassadress.

Sa social media account pinatutunayan ni Yan na ginagamit niya ang lahat ng products na ineendorso niya mula sa beauty hanggang home products at iba pang nagtitiwala sa kanya.

No wonder, nakapila ang gustong kumuha kay Marian bilang endorser ng kanilang produkto.

Eh dahil sa sitwasyon ngayon, venue at outlet na rin ang social media accounts ng product endorsers para mailabas ang produkto.

Kita ang sipag ni Yan sa posts niya ng mga produktong ineendorso niya pati na rin ng mga anak niya.

Walang palya niya itong ginagawa sa lahat ng endorsements, maliit man o malaki ang kumpanya!

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with