^

Pang Movies

Diego, gusto sana munang maging single

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Diego, gusto sana munang maging single

Kung pagbabasehan ang dami ng movies na kanyang tinampukan bilang lead actor at ipinalabas sa Vivamax streaming app, masasabing si Diego Loyzaga na nga ang Vivamax King na muling nagbabalik sa pamamagitan ng movie remake na Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, a 1989 movie na pinagbidahan ni Dina Bonnevie kasama sina Tonton Gutierrez, Eddie Gutierrez, Cherrie Gil at iba na pinamahalaan ng yumaong actor-director na si Eddie Rodriguez. Ito’y mula sa nobela which was serialized sa Hiwaga Komiks.

Ang modern version ng nasabing pelikula ay pinagbibidahan ng Viva sexy star na si Ayanna Misola kasama sina Diego Loyzaga, Adrian Alandy, Ava Mendez, Mon Confiado at iba pa at dinirek ni Roman Perez, Jr.

Isa namang malaking karangalan para kay Ayanna ang mabigyan ng pagkakataon na i-portray ang character na unang ginampanan sa pelikula ng kanyang idolong si Dina Bonnevie.

Samantala, lutang ang husay ni Diego sa pag-arte sa anumang character na ibigay sa kanya including sexy roles na hindi naman kataka-taka dahil parehong mahusay na actor ang kanyang mga magulang na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Still on Diego, inamin nito na nasa dating stage na umano sila ng ex-PBB housemate-actress, ang Fil-New Zealander na si Franki Russell na nakilala niya sa set ng game program sa TV5, ang Rollin In It hosted by Yassi Pressman. Nagkataon na pareho silang guest. Napansin ng singer-actor ang kakaibang accent ni Franki na inakala niya from Australia kung saan lumaki si Diego. It turned out na taga-New Zealand siya.

Ang unang pagkikita nina Diego at Franki ay nasundan ng iba pang pagkakataon hanggang magkasama sila (along with other friends) sa Ilocos kung saan niya lalong nakilala ang dalaga.

Inamin ni Diego na gusto sana muna niyang manatiling single after his breakup with Kapamilya young star na si Barbie Imperial last December pero unti-unti umano siyang huhulog kay Franki sa rami umano nilang common interests.

Melissa, ‘Di akalaing magkakaanak

Masayang-masaya ang mag-asawang Rocco Nacino at athlete wife nitong si Melissa Gohing-Nacino dahil magkakaroon na sila ng bagong karagdagan sa kanilang binubuong pamilya dahil ipinagbubuntis ngayon ni Melissa ang kanilang magiging unang baby.

Natakot noon si Melissa na hindi siya mabuntis dahil meron siyang polycystic ovary syndrome (PCOS) pero itinuturing niyang malaking blessing ang kanyang pagbubuntis ngayon.

Ang Kapuso actor at Philippine Navy Reservist na si Rocco at Melissa got engaged nung Nov. 20, 2020 at sila’y ikinasal atop ng Philippine Navy warship nung Jan. 21, 2021.

Dahil sa pagbubuntis ni Melissa ay pahinga muna siya sa kanyang pagiging volleyball player.

Samantala, baby boy ang magiging unang supling ng mag-asawang Rocco at Melissa na kanilang ibinahagi last June 14 sa kanilang Instagram account na kuha sa surprise gender-reveal party.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with