Sarah, magiging bossing ng studios nila ni Matteo

It’s been over two years na magmula nang magpakasal sa isang secret Christian wedding ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagmamadali ang dalawa na magkaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya.

Mas ini-enjoy ng mag-asawa ang isa’t isa bago dumating ang kanilang unang baby.

Sa susunod na buwan, July 25, si Sarah G. ay magti-thirty-four years old na rin pero bago dumating ang baby, mas mauuna munang itayo ng mag-asawa ang kanilang sariling G Studios kung saan ang pop superstar mismo ang tatayong president. Ang nasabing studio ay nakatakdang buksan in March 2023, birthday month ni Matteo.

Ang groundbreaking ng G Studios ay sinaksihan din ng mom ni Matteo na si Glenna Fernan-Guidi­celli  and his younger brother na si Paolo at ilang malalapit na kaibigan.

Sa nasabing studio gaganapin ang mga gagawing content ng mag-asawa na tiyak daw na ikatutuwa ng kanilang fans.

Bago ang groundbreaking ng G Studios ay super proud si Matteo sa pagtatapos ng kanyang misis ng baking course sa Heny Sison Culinary School kama­kailan lamang.

Ruffa, ‘di makakasama ang mga anak sa birthday

Mukhang hindi makakasama ni Ruffa Gutierrez ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice Bektas sa kanyang birthday celebration on June 24 dahil kasalukuyan pang nasa Istanbul, Turkey ang magkapatid at super bonding with their dad na hindi nila nakita at nakapiling sa loob ng 15 taon. 

Nagkaroon din ng instant rapport ang magkapatid sa kanilang half-sister (sa father side) na si Ilknaz Lauren Bektas (23) na napakaganda rin tulad nina Lorin at Venice.

Masaya si Ruffa sa kanyang naging desisyon na payagan ang kanyang teenage daughters na makita ang kanilang ama, ang kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na ang present wife ay si Zuleyka Rivera Mendoza, ang 2006 Miss Universe from Puerto Rico.

Hindi para sa kanyang sarili ang inisip ni Ruffa kundi para sa kanyang mga anak na may karapatan ding makilala nang husto ang kanilang ama at ibang mga kaanak nito including their half-sister na super close ngayon sa dalawa.

Updated si Ruffa sa mga kaganapan sa Istanbul ng dalawa na super ini-enjoy ang kanilang reunion with their dad after 15 years kung kelan malalaki na sila.

Wala umanong araw na hindi kasama nina Lorin at Venice ang kanilang ama at ate nilang si Ilknaz.

Plano ni Lorin na ilagay lahat sa kanyang vlog ang kanilang memorable trip in Istanbul with their dad, sister and other relatives at mga lugar na kanilang pinuntahan.

Samantala, kung matagal nang nag-asawang muli si Yilmaz, hanggang ngayon ay nananatili pa ring unmarried si Ruffa na low-key pa rin ang relasyon with actor-politician na si Herbert Bautista na kahit may apat na anak na sa dalawang magkaibang babae ay never pa itong ikinasal kahit kanino.

Wilma at Gerick, 15 taon bago nagpakasal

Hindi ikinakaila ng model, actress-comedienne at entrepreneur na si Wilma Doesn’t na ang kanyang mister ngayon na si Gerick Parin ay siyang ama ng kanyang pangatlo at bunsong anak na si Araion pero magkaiba ang ama ng kanyang first two daughters na sina Asiana (19) at Svetlana (15) pero super close ang dalawa sa kanilang stepdad na meron namang 23-year-old son na si Harley sa kanyang dating karelasyon.

Si Gerick ay naging ama sa edad na 15 at 10 taon naman ang kanilang agwat ni Wilma. Tumagal ng 15 ang kanilang relasyon bago sila nagdesisyong magpakasal nitong nakaraang March 2022 matapos mag-propose si Gerick in November 2021 in Tagaytay habang nasa isang hosting job ang model-actress.

The couple is running their own restaurant business, ang Chicks ni Otit (baliktad ng Tito) in General Trias, Cavite kung saan ang mga anak nila ay katuwang nila sa operation ng kanilang negosyo.

Show comments