^

Pang Movies

Darna ni Jane na maraming dinaanang lubak, lilipad na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Darna ni Jane na maraming dinaanang lubak, lilipad na!

Finally ay malapit nang matunghayan ang pag­lipad ng young star na si Jane de Leon sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na pinamahalaan ng batikang director na si Chito Roño.

Makakasama ni Jane sa serye ang young actor na si Joshua Garcia na kagagaling lang sa hit primetime TV seriers na Viral Scandal, Zaijian Jaranilla (na magmumula sa another hit primetime adaptation, ang The Broken Marriage Vow) at Janella Salvador na nagmula naman sa kanyang panganganak sa kanyang firstborn na si Jude Trevor sa partner na si Markus Paterson.

Huling napanood si Janella sa TV series na The Killer Bride na nagtapos nung 2020 at tinampukan nila ng kanyang tiyahing si Maja Salvador.

Napakarami ng pinagdaanan at naging problema ng Darna project bago ito napasakamay ni Jane ma­ging ng director na si Chito Roño.

The movie was originally intended for a movie na pagbibidahan dapat ni Angel Locsin under Star Cine­ma at si Erik Matti pa ang director. Pero nagkaroon si Angel ng disc bulb sa kanyang likuran na siyang naging dahilan ng kanyang pag-atras sa proyekto na ipu-produce sana noon ng Star Cinema. Nang umatras si Angel, kinuha ng Star Cinema si Liza Soberano pero nagkaroon ito ng finger injury na kailangang operahan at ginawa ito sa Amerika.

Third and final choice ay si Jane pero umatras din si Direk Erik kaya pumasok ang writer-director na si Jerrold Tarog who had to redo the script at nakapag-shoot na ng ilang por ciento ang project.

Pero bago pa man natapos ang project ay nahinto ito at muling ipinagpatuloy na iba na ang director, si Direk Chito Roño na kailangang magsimula from scratch.

Gayunpaman, dumaan man ng maraming problema at pagsubok ang Darna project, ang mahalaga ay nabuo at natapos pa rin ito at malapit nang mapanood ng mga manonood.

Inaasahan na ang Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ay magsisilbing pasaporte ni Jane to stardom.

Kris, pahinga na sa social media

More than ever, mas kailangan ngayon ni Kris Aquino (51) ng taimtim na dasal dahil sa kanyang kakaibang sakit na siyang dahilan kung bakit siya lumipad patungong Amerika (Houston, Texas) for further treatment. Kasama niyang umalis ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at iba pang kasama.

Sinabi ng Houston-based doctor ni Kris na si Dr. Nino Gavino, matagal daw itong gamutan kaya pansamantala munang nagpaalam ang tinaguriang Queen of All Media sa kanyang social media account.

Marco, kinaiimbiyernahan ang pagiging inglesero

Alam mo, Salve A., marami ang nagtataka at nao-off sa pagka-Inglesero ng Viva actor, ang Filipino-Italian na si Marco Gallo.

Sa lahat ng presscon na dinaluhan nito at kasama na rito ang digital presscon para sa pelikulang Kitty K7 na pinagtatambalan nila ni Rose Van Ginkel na dinirek ni Joy Aquino and produced for Viva Films ng engaged couple na sina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone ay parating English ang sagot ni Marco kahit Tagalog ang tanong sa kanya.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with