^

Pang Movies

Kylie, nadalian kina Rayver at Jak   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kylie, nadalian kina Rayver at Jak              

Marami na ang excited mapanood ang first sports drama series ng GMA Network, ang Bolera na magtatampok kina Kylie Padilla, Rayver Cruz at Jak Roberto.

Nagpasalamat ang buong cast ng serye na after ipalabas ang 13-minute trailer sa Facebook, umani agad ito ng 1 million views. Sa zoom conference ng Bolera, natanong si Kylie kung ano ang feeling niya after niyang mapanood ang trailer, at mabasa ang comments?

“Para po sa akin, worth ang pagtatrabaho namin, at gandang-ganda ako sa napanood ko,” natatawang sagot ni Kylie. “Ang ganda-ganda po ng project sa pagbabalik ko, after three years na hindi ako gumawa ng serye. Kaya thankful ako sa mga nakasama ko rito, si Rayver, si Jak, na first time kaming nagkasama, pero naging smooth po ang work namin, at nag-enjoy na kami nang pare-pareho na kaming naglalaro ng billiard. At kahit po iyong mga billiard champions sa katatapos na 31st SEAGames na naging coaches namin, ay naging friends namin, at labis po ang pasasalamat namin sa kanila sa pagtuturo nila sa amin ng mga moves na dapat gawin sa aming mga eksena.”

Sa direksyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy, bukas na, May 30, ang world premiere ng Bolera at 8:50 p.m. sa GMA 7, after ng First Lady.

Jillian, bumalik sa ‘pinanggalingan’

Nakakatuwa naman na pagkatapos ng Prima Donnas Season 2, nagkaroon agad ng projects ang Donnas na sina Sofia Pablo at Jillian Ward. Si Sofia ay nabigyan ng four episodes ng Raya Sirena kasama ng ka-loveteam na si Allan Ansay na first runner-up ng StarStruck 7, every Sunday at 10:50 p.m. Sa June 5 ang finale episode nila.

Masayang-masaya naman si Jillian Ward sa muli niyang pagbabalik sa Daig Kayo ng Lola Ko. Bata pa si Jillian nang magsimula siyang mag-host kasama si Ms. Gloria Romero na siyang nagkukuwento ng bawat episode na gawin nila.

But this time, si Jillian na ang bibida sa episode na Tiki Tokitok.

Directed by Rico Gutierrez, mapapanood ang fantaserye at 7:00 p.m., after ng 24 Oras Weekend sa GMA 7.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with