^

Pang Movies

Ogie nagpasalamat... Liza, kumpirmadong si James Reid na ang manager   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie nagpasalamat... Liza, kumpirmadong si James Reid na ang manager            

Si James Reid na ang manager ni Liza Soberano at hindi na si Ogie Diaz.

Mismong si Ogie ang kumumpirma nito sa kanyang YouTube vlog na in-upload kahapon na may titulong James Reid, Bagong Manager ni Liza Soberano, Ogie Diaz, Out Na.

Simula ni Ogie, marami na nga rin daw ang nagtatanong sa kanya kung siya pa rin ba ang manager ni Liza matapos ang sunud-sunod na  paglabas ng mga larawan ng aktres na kasama si James sa USA.

“Unang-una sa lahat, technically, legally speaking, ako pa rin po ang manager ni Liza Soberano hanggang May 31, 2022,” pagkumpirma niya.

“Yes, 11 years po kaming nagsama ni Liza bilang mag-ama at bilang manager-talent,” dagdag niya.

Sa pamamagitan ng isang mahabang Viber message ay sinabi raw sa kanya ni Liza na napagdesisyunan nga niyang hindi na mag-renew ng kontrata kay Ogie.

Magalang naman daw si Liza na nagpaalam at maluwag naman daw sa dibdib niya itong tinanggap dahil napakahaba ng pinagsamahan nila at hindi ito nagtatapos sa pagiging talent at manager lang.

“So ‘yun nga, kasama do’n sa kanyang mensahe sa akin na gusto niyang mag-try sa Hollywood. At siyempre, eh hindi naman ako ‘yung tipong alam ko rin hanggang Hollywood. Kumbaga hanggang dito lang ang kaalaman ko bilang manager,” he said.

Ayon kay Ogie, hindi na raw masama ang 11 years na pagsasama nila ni Liza at napakalaki raw ng utang na loob niya sa aktres dahil ang mga kinita niya bilang manager nito ay ginamit niya sa pagpapagamot ng kanyang anak na si Miracle.

“Timing na timing ang pagdating ni Liza sa buhay ko. In fairness sa bata, very grateful din siya, very thankful din siya sa akin dahil siyempre kumbaga eh magkatuwang naming binuo ang kanyang pangalan at dun eh happy na ako,” he said.

Nagkausap daw sila ni Liza pagkatapos nito sa isang photoshoot at naging maayos daw ang kanilang usapan. Basta ang binitiwan daw niyang salita sa aktres ay lagi siyang nandito for her.

“So, ‘yun, tapos ang usapan at magkaibigan kami ni Liza,” aniya.

When asked kung si Liza na nga ba ang magma-manage ng kanyang sariling career, ani Ogie, “I think, not at this time. Kasi nu’ng una, ‘yung ang sinabi niya sa akin. Pero ipinakilala na niya sa amin ang bagong team na hahawak ng kanyang career.”

Dito na nga niya sinabi na ang team na ni James Reid ang bagong magma-manage sa career ni Liza dito sa Pinas at sa USA since gusto nga ng aktres na subukan ang Hollywood.

“Hindi lang din naman si James Reid ang nagha-handle kay Liza, kundi ‘yung team ni James Reid. Nagkataon lang na sa lahat ng mga kontrata ni Liza, ang signatory na ay si James Reid,” aniya.

Sa ngayon ay nasa transition period daw ang team niya at team ni James hinggil sa pagma-manage kay Liza. “Nag-uusap naman ang aking road manager for Liza saka ‘yung management ni Liza doon. Pero ‘yung pag-uusap nang harapan, hindi pa, hindi pa kami nag-uusap ni James Reid o itong team niya du’n sa para pormal na i-turn over si Liza sa kanila,” pagbabahagi pa ni Ogie.

Nang tanungin siya kung hindi ba siya na-hurt sa hindi pagre-renew ni Liza sa kanya, ani Ogie, “ay mamatay, wala, wala. Kasi ‘di ba, ganu’n nga akong tao? ‘Pag ang isang tao, gusto ng growth at feeling niya, magkakaroon siya ng growth sa iba at feeling niya, mas sasaya siya sa iba, ibinibigay ko.”

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with