Pops, gustong magbati-bati ang mga nag-away sa pulitika!  

Ngayong tapos na ang Eleksyon 2022, dapat daw, ayon sa top singer na si Pops Fernandez, ma-realize nating mga Pilipino that we actually only have a common goal, for all of us to be better. At maging mabuti rin tayong mamamayan.

Kaya magkaisa na tayo. Despite kung ano man ang ating ibinoto.

Ikaw Salve A., sino ba ang, kumbaga naging “manok” mo?

Rey Valera, maraming pinalampas na raket

For the sake of his videoke gameshow, Sing Galing sa TV5, nagkusa na raw si Rey Valera na huwag tumanggap ng alok na mag-perform for a particular politician during the campaign period, kahit na nga masasabing additional income ‘yun para sa kanya.

Nakakatuwa lang daw kasi that, at the end of the election, magkakasama pa rin sila, bilang magkakaibigan.

Kaya, sino nga ba ang kanilang niloloko?

Advertising
Scroll to continue

May hula ka, Salve A.?

Tito Sen, ‘di apektado

Despite na ‘di siya nanalo for Vice President, ang posisyong tinakbuhan noong nakaraang election ni Senate President Tito Sotto, appears unperturbed, unaffected, parang balewala lang.

Magkakasama sila ng kanyang pamilya, meaning his wife, actress-singer Helen Gamboa, their three daughters at anak na reelected Vice Mayor ng QC, si Gian Sotto, na bitbit naman ang asawang si Joy Woolbright, followed by their six children, nang magkita-kita sila.

The election notwithstanding, remain them a happy family.

Karla, limang apo ang wish kina Kathryn at Daniel

Next year (year 2023) na nga ba magaganap ang kasalang hinihintay ng maraming tagahanga at following nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

“God willing,” the two both said.

By then, Kathryn would be 26; Daniel 27.

Magiging maalab daw ang okasyon, dahil marami silang planong imbitahan.

Ten years na, according to the two ang kanilang relasyon na nag-umpisa sa pagiging magka-loveteam.

And in all those years, they have remained faithful and true sa isa’t isa.

“Let’s wish and pray for them well,” pakiusap lalo na ng mother ni Kathryn  na si Luzviminda.

Daniel’s Mom, we all know, is actress Karla Estrada.

Her wish for the two is to have at least, five children.

Tatlong lalaki at dalawang babae. Amen.

Karla did not explain why.

And Karla wants daw for Kathryn to breastfeed them all. Breastfeed baby nga kasi si Daniel.

Show comments