^

Pang Movies

Kapatid ni Susan Roces, ‘di makakarating sa kanyang burol  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kapatid ni Susan Roces, �di makakarating sa kanyang burol           

Nagdatingan ang mga kaanak, mga kaibigan at lider ng industriya ng pelikula, at mga pulitiko sa unang gabi ng lamay para sa yumaong “reyna ng pelikula” na si Susan Roces. Iginalang naman ng fans ang kahilingan ng pamilya na hayaan muna silang makapag­dalamhati ng isang gabi bago buksan sa publiko ang labi ng yumaong aktres. Bagama’t sinasabing may fans sa labas ng Heritage na nagtirik din ng kandila.

Simula kahapon, Linggo, hanggang sa Martes ng gabi ay mananatiling bukas ang lamay para sa fans at iba pang makikiramay. Pagkatapos noon ay ang libing sa Manila North Cemetery katabi ng huling hantungan ni FPJ (Fernando Poe Jr.).

Mabilis din na nagpahatid ng pakikiramay ang aktres na si Lovi Poe, na anak ni FPJ sa dating modelong si Rowena Moran, at ganoon din naman si Ronnian, na anak ni FPJ sa dating aktres na si Ana Marin. Ang dalawa ay kapwa tanggap rin naman ni Susan at ng kanilang adopted daughter na si Senadora Grace Poe-Llamanzares.

Umaapaw na sa dami ng bulaklak ang Heri­tage Memorial Chapels kung saan nakalagak ang mga labi ni Susan, at magkakaroon ng pagdiriwang ng banal na misa sa araw-araw. Sinabi naman ng pamilya na magbibigay sila ng Zoom link para sa mga gustong makiisa sa panalangin sa misa na hindi makakarating doon, kabilang na nga ang kapatid niyang si Rosemarie na hindi raw makakauwi para sa burol at libing. Si Rosemarie ay matagal nang naninirahan sa US, simula pa noong maghiwalay sila ng asawang si Ricky Belmonte.

Marami ang nagsasabing ang pagpanaw ni Susan Roces ay katapusan na ng isang era sa show business. Kapanahunan nila ni Amalia Fuentes nagsimula ang matinding labanan ng fans, na minsan ay nauuwi sa mga awayan, at nagkakasakitan. Iyon ay sa kabila ng pakiusap ng dalawang movie queens na hindi sila dapat mag-away.

Ang ganoon namang awayan ng fans ay umabot din at lumubha pa nang maging magkakumpetensiya sina Vilma Santos at Nora Aunor, na hindi maikakailang hanggang ngayon, nagpapasaringan pa rin ang fans.

Pero ang mga ganoong bagay ay hindi na naulit sa ibang mga artista matapos ang panahon nina Vilma at Nora.

Mabilis ding nagpaabot ng kanyang mensahe ng pakikiramay si Ate Vi, samantalang si Nora na nag-birthday naman noong Sabado ay nasa Bicol pa.

Ang isa pang bagong pinag-uusapan ay kung maaari raw maideklara rin si Susan bilang national artist, na iginagawad din naman posthumously, subalit iyan ay dadaan pa rin sa pagsusuri at nominasyon ng Cultural Center of the Philippines at NCCA. Kung lulusot, siguro naman ipagkakaloob iyan ni President-elect Bongbong Marcos, dahil kinakapatid niya si Susan dahil ang dating Pangulong Marcos at Unang Ginang Imelda Marcos ay kapwa tumayong ninong at ninang sa kasal nina Susan at FPJ. Bukod doon maganda naman ang body of work ni Susan at nakagawa ng mga makabuluhang pelikula.

Ang kanyang asawang si FPJ ay isa ring national artist, at bagama’t tumanggi si Susan na tanggapin ang karangalan noon muna sa dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na inakusahan niyang “you have stolen the presidency not once but twice,” tinanggap naman niya ang parangal sa isang seremonya ng CCP. Kasabay noon si FPJ ay ipinagtayo rin ng monumento sa Roxas Boulevard, kasama ng iba pang bayani ni dating mayor Alfredo Lim. Ang isa pang artista na may monumento roon bukod kay FPJ ay ang hari ng comedy na si Dolphy.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with