^

Pang Movies

JV, aminadong ‘sing lamig ng north pole ang relasyon kay jinggoy!

Gorgy Rula - Pang-masa
JV, aminadong âsing lamig ng north pole ang relasyon kay jinggoy!

MANILA, Philippines — Hindi pa man naproklama ang mga bagong halal na 12 senador, inaabangan na ang pagsasama sa Senado ng magkapatid na Sen. JV Ejercito at Sen. Jinggoy Estrada.

Sa nakaraang interview sa programa nina Ka Tunying Taberna at Gerry Baja sa DZRH, sinabi ni Sen. JV na hindi pa niya masasabi kung magkakaayos sila ngayon dahil sa ‘di magandang nangyari sa kanila nitong nangangampanya sila. “Sa ngayon, kasing lamig pa rin ng North Pole ang ­aming relasyon,” natatawa niyang pahayag.

“Wala pa. Titingnan na lang natin. Basta ito’y hindi maging balakid sa aming performance, sa aming trabaho ay okay na rin ‘yun,” natatawa pa niyang sagot sa tanong ng dalawang hosts ng Dos por Dos sa DZRH.

“Sa trabaho na lang ako magpu-focus. Pero tingnan na lang natin kung magkaayos, bakit hindi.

“Pero ano e, masyado nang lumalim talaga ang hidwaan. Kaya it will take time, to be honest.

“May mga incidents kasing nangyari nitong nakaraan na medyo personal. Ayoko na lang ikuwento ito nung kampanya, na medyo mas lalong nagpalala ng aming hidwaan.

“Pero tingnan natin. As long as makakabuti sa aming trabaho, bakit hindi po,” saad ni Sen. JV.

Sa programa ring ‘yun ay nakapanayam din si Sen. Jinggoy, pero ayaw na niyang pag-usapan ito dahil hindi naman daw ito nakakatulong sa hinaharap na problema ng ating bansa.

“Hindi naman nakakatulong sa ekonomiya ang hidwaan namin magkakapatid,” pakli ni Sen. Jinggoy.

Pero kung kinakailangang magsama sila para sa taumbayan, wala naman daw problema ito kay Sen. Jinggoy. “Ako naman, I can work with anybody. Kahit sino sa Senado, kahit kapatid ko pa ‘yan, kahit half-brother ko pa ‘yan, kahit sa opposition senator.

“Nangyari na sa akin ‘yan 2004, I can work with anybody. ‘Yung mga kalaban namin sa pulitika, I get along with all of them.

“Basta sa senado sa amin, kung ano ang ikabubuti sa aming mga kababayan, sama-sama kami, united kami sa pagboto,” saad ni Sen. Jinggoy.

Anak ng dating beauty queen, agaw-pansin sa Miss World-PH

Ang anak nina Hans Montenegro at ng Binibi­ning Pilipinas-World 1994 Cara Subijano ang isa sa napansin sa press presentation ng Miss World-Philippines 2022.

Siya si Ashley Subijano Montenegro, 22 years old at kandidata ng Makati City.

Siya ang napiling Miss LeMeur Aesthetics doon sa press presentation.

Ayaw raw ni Ashley na ma-pressure dahil anak siya ng dating Binibining Pilipinas-World, at si Hans pa ang tatay niya. “I think it’s not a pressure but as an honor and I’m so thankful that my own mother herself can give me the best advice possible,” pakli ni Ashley.

Suportado siya ng kanyang magulang, pero nasa Amerika pa raw ngayon ang Mommy niya. Babalik naman daw ito para tulungan siya sa preparasyon ng natu­rang kumpetisyon. “They told me to do my best as long as I keep up with my school work,” sagot ni Ashley tungkol sa payo ng kanyang magulang.

Marami pang magaganda at puwedeng makuha ang korona, kaya abangan na lang ang kanilang coronation night sa June 5 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Sabi ng National Director ng Miss World Philippines na si Arnold Vegafria, mas paghahandaan daw nila itong mabuti, at marami silang mga bago at surprises.

Ang dami raw kasi nilang hirap nung nakaraang taon na kung saan kasagsagan pa noon ng COVID surge. “Ngayon, nagbago ako ng creative team. I think the concept is different this time. I wanted every year nagtsi-change ng concept e.

“I have big time visitors because the owners those big pageants will be here, also together with their queens. That’s a big surprise to the pageant fans,” saad ni Arnold.

Darating daw dito sa coronation night  para mag-judge ang may-ari at reigning queen ng Miss World, Miss Supranational, at Miss Eco-International.

Bukod sa tatlong title, kokoronahan din ang iba pang title, ang Miss Multinational, Reina Hispanoamericana, Miss Tourism, Miss Eco Teen International, at Miss Environment International.

JINGGOY ESTRADA

JV EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user