^

Pang Movies

Andrea, hindi naging maingat!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andrea, hindi naging maingat!

O nakita mo na, Salve, kung anong nangyari sa pagi­ging atrebida ni Andrea Brillantes?

Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng service, inalis daw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa supporters ni BBM.

Kung big star si Andrea baka pina­lagpas pa iyon, pero dahil isang wala pang gaanong ningning na baguhan, talagang snob ang treatment sa mga arte niya.

Sabi ko nga, lahat kaya mo ‘pag meron kang star power, pero kung isa ka lang wannabe hindi ka nila palalagpasin sa mga kagagahan mo. Know your place, your ranking, your level, bago ka magbitaw ng anumang salita.

Palagay ba ni Andrea nakatulong siya kay Leni Robredo? Baka nga nakabawas pa siya ng boto.

Now, aral na ito para sa lahat, totoo, ipaglaban mo ang choice mo, huwag kang patalo. Pero maging maingat ka rin at sana nakatulong ka nga sa gusto mong kandidato.

Saka huwag OA, tingnan mo, mukha kang engot dahil hindi ka sineser­yoso, kasi nga, susuporta ka pa lang OA ka na, di lalo na ‘pag nandu’n ka na. Baka manatili kang Bituing Walang Ningning, Andrea, hanap ka na lang uli ng free make-up service, sayang din ‘yung libre, hah hah hah.

Javi, babu na sa Showbiz

Winner si Javi Benitez as mayor ng Victoria, Negros. Sure ako na ang lucky charm niya si Sue Ramirez na in fairness talagang suportado siya buong eleksyon.

Now tiyak na hindi na itutuloy ni Javi ang pagpasok sa showbiz dahil nandiyan na ang trabaho niya as Mayor at hindi niya puwedeng pabayaan. Tiyak na sa pulitika na ang career niya. At kung sakali na silang dalawa na ang magkatuluyan ni Sue  baka huminto na rin ito sa showbiz at maging first lady na ng Victoria.

College graduate si Javi at maganda ang credential para kahit sa mas mataas na posisyon ay puwedeng tumakbo. Bongga, dahil hindi lang mayor, kahit mas mataas pa, ok si Javi .

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with