^

Pang Movies

Jennifer Sevilla, asenso ang mga negosyo sa Divisoria

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jennifer Sevilla, asenso ang mga negosyo sa Divisoria

Sa darating na May 14 ay ika-48th birthday ng actress at dating member ng youth-oriented program na That’s Entertainment ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno on GMA na si Jennifer Sevilla na isa na ngayong matagumpay na businesswoman.

It was on Nov. 11, 2007 nang siya’y magpakasal sa negosyanteng si Seymour Go na nakilala niya sa Divisoria. Ang kanyang mister ay apat na taong mas bata sa kanya. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak na parehong lalake.

Bago pa man nakilala ni Jennifer ang kanyang mister ay meron na siyang sariling negosyo, ang ready-to-wear clothing business at siya mismo ang personal na namimili ng supplies sa Divisoria kung saan niya nakilala ang kanyang mister at mother in-law na may tindahan ng fabrics, mannequins at iba pang supplies doon pero hindi alam ni Seymour na isa siyang celebrity.

Aminado ang actress-businesswoman na lalo umanong na-enhance ang kanyang pagiging negos­yante sa tulong ng kanyang husband.

Sa ngayon ay marami-rami na rin ang kanilang business. Bukod sa Lynelle Hair, Mannequin, Inc. at ilang gasolinahan, sila rin ang sole distributor sa Pilipinas ng Lion Coffee brand from Hawaii, USA.

Aminado rin ang actress-businesswoman na naapektuhan ang kanilang mga negosyo dahil sa pananalasa ng pandemya at kinailangan nilang magsara ng ilang branch at magbawas ng tao. Pero umaasa si Jennifer at ang kanyang mister na muli niyang mare-rehire ang kanilang mga dating staff kapag patuloy na gumanda ang takbo ng kanilang business.

“Wala talaga kaming choice kundi ang magbawas ng tao,” pag-amin ni Jennifer na isa sa maganda ang buhay ngayon after That’s Entertainment.

“Pero passion ko pa rin talaga ang umarte,” aniya.

“Kaya kapag may magandang offer ay tinatanggap ko pa rin,” pahayag pa ng aktres.

Baby Boom at engagements sa showbiz, sunud-sunod

Kung may baby boom sa taong ito among the celebrity moms including Jennylyn Mercado, Angeline Quinto, Winwyn Marquez, Rich Asuncion and soon kay Angelica Panganiban, magkasunod naman ang engagement na nangyari sa dating Fil-Am child star na si Serena Dalrymple at ngayon sa Fil-German actress at 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa kanyang Scottish-Colombian entrepreneur, photographer, blogger na si Jeremy Jauncey.

Si Jeremy ay nag-propose kay Pia habang nagbabakasyon ang magkasintahan sa Palawan na ibinahagi ng aktres at dating beauty queen sa kanyang social media account last Friday, May 6.

Bago naging kasintahan ni Pia si Jeremy (na walang Filipino blood) ay naging kasintahan niya ang Russian-born American doctor na si Dr. Mikhail Varshavski nung siya’y Miss Universe pa at naka-base in New York, USA kung saan nagkakilala ang dalawa. After nung breakup ng dalawa ay naging kasintahan ni Pia ang Filipino-Swiss race car driver na si Marlon Stockinger pero pagkaraan ng dalawang taon ay nagkahiwalay rin ang dalawa.

It was in January 2020 nang mapabalitang nagkakamabutihan sina Pia at Jeremy pero inamin ng dalawa ang kanilang relasyon in June 2020. Since then ay halos inseparable na sila na nagkakilala sa London kung saan nagtapos ng pag-aaral si Jeremy who owns a house in New York, USA.

Dahil sa hilig ni Jeremy na mag-travel and photography, kanyang itinatag ang Beautiful Destinations kung saan siya ang tumatayong founder at CEO.

vuukle comment

JENNIFER SEVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with