^

Pang Movies

Melanie ‘di pinapasok sa MOA, nadiskubreng nawalan ng alahas

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Melanie âdi pinapasok sa MOA, nadiskubreng nawalan ng alahas

Ahh hindi pala pinapasok sa Mall of Asia Arena si Melanie Marquez nung coronation night ng Miss Universe Philippines last week. Ang rason, naiwan niya ang kanyang vaccination card.

Kandidata ang anak niyang si Michelle Dee that time.

Pero wala siyang choice kundi umalis na lang para kunin ang vaccination card.

At habang hinahanap daw niya ang vaccination card nadiskubre niyang may nawawala siyang mga alahas sa kanilang bahay sa Makati.

Nanalo namang Miss Universe Philippines – Tourism si Michelle.

At natutuwa siya sa naging kapalaran ng anak.

Si Melanie ang 1979 Miss International.

‘Happy Mother’s Day’

Mas lamang pa rin ang isyu ng pulitika kesa sa celebration ng Mother’s Day ngayong araw.

Pero ang first time mom na si Angeline Quinto, may post na kahapon habang karga ang anak “You are my sunshine, baby Sylvio.”

Dahil normal na rin, tiyak na dadagsain na ang mga restaurant. Two years ding naging abnormal ang celebration ng Mother’s Day dahil sa pandemic.

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina sa buong mundo.

Actress, favorite ng fashionista wannabe

Bongga ang kuwento sa isang actress na mahilig sa mga luxury brand.

Idol talaga siya ng fashionista kasi talagang, hundreds of thousands ang halaga ang mga sinusuot niya lalo na sa mga alahas.

Kaya naman talagang inaabangan.

Ito ay para maka-order din sila.

Pero hindi ng original kundi imitation.

Yup, once raw na isuot ng actress ang isang style ng alahas, ang bilis magkaroon ng imitation.

Ang laki nga naman ng difference pagdating sa presyo ng original brand at imitation.

Sexy actress, bloated ang hitsura

Ah mukha ngang bloated ang mukha ng isang sexy actress. Pinagdududahang nanganak ang nasabing sexy actress noong kalagitnaan ng pandemya at lockdown.

Naitago raw talaga nito at ng kanyang partner ang nasabing pagbubuntis.

Well, blessing ang anak.

Kung ganun, araw niya ngayong araw.

MELANIE MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with