^

Pang Movies

Ate Vi, ‘di pabor sa mga anak na matapang sa nanay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, âdi pabor sa mga anak na matapang sa nanay
Vilma Santos.

Nalungkot si Ate Vi (Vilma Santos) sa mga narinig na kuwento tungkol sa mga pamilyang nagkakasiraan dahil sa magkaibang kandidatong sinusuportahan.

“Malungkot din, dahil hindi mo iisipin na may isang anak na magtatakwil sa kanyang ina. Hindi ako perpekto, kami ni mama nagkakagalit din kami noong araw. Kasabihan nga natin, iyong ngipin at dila magkadikit na, nagkakagatan pa eh. There was a time nagkagalit din kami ni mama, pero hindi pumasok sa isip ko na talikuran at itakwil ang nanay ko.

“Dinala ka ng nanay mo nang siyam na buwan sa loob ng kanyang katawan. Itinaya niya ang buhay niya sa pagbubuntis pa lang at panganganak sa iyo. Hindi ko sinasabing hindi importante ang tatay, pero ang nanay nagtataya ng buhay para sa kanyang anak, kaya kung iisipin mo, mas malaki ang responsibilidad ng anak sa nanay niya.

“Noon ngang pinag-uusapan namin iyan nakatulala ang mga anak ko. Kasi kami nabuhay nang close talaga sa isa’t isa. Kahit na gaano ako ka-busy, sinisiguro kong nakakausap ko ang mga anak ko. Malalaki na iyan pero basta hindi ko nakausap sa umaga, tatawagan ko iyan sa telepono, o minsan sila naman ang tumatawag. Maski si Ralph (Recto) ganun. Hindi napuputol ang communications namin. Kung ano ang gagawin naming mga desisyon, sinasabi namin sa mga bata. Kung ano man opinion nila pinakikinggan namin, kaya hindi kami nagkakaroon ng problema sa mga bata,” pahayag pa ni Ate Vi na pahinga na sa pulitika umpisa Hunyo.

“Pero bilang isang ina, ang lungkot ko sa nabalitaan kong iyan. Nasundan pa iyan noong isang balita, iyong may sakit, may mental problem ang nanay. Dahil napikon sa panunukso ng mga tao, pinatay noong anak sa saksak ang nanay niya. Kahit na nagsisi siya at sumuko sa mga pulis, krimen iyon at ang biktima ay sarili niyang ina,” pagpapatuloy ng chika ni Ate Vi sa atin.

Kaya sana raw ay dagdagan natin ang dasal ‘di lang para sa pangangailangan natin kundi para sa sarili natin.

“Ipagdasal natin ang ating mga sarili, lalo na ang mga ina. Hingin natin ang tulong ng Mahal na Birhen, para gabayan niya at tulungan ang mga nanay,” sabi ni Ate Vi.

Jakbie, kalahating dekada na

Limang taon na palang magsyota sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Nagsimula lang iyan sa isang teleserye na ginawa nila. Apat ang leading men ni Barbie. Sa katapusan ng serye sa iba siya napunta, pero sa tunay na buhay naging syota niya si Jak.

Si Jak, aminado namang bago pa ang seryeng iyon ay talagang crush na niya si Barbie, at aminadong sinamantala niya ang pagsasama nilang iyon sa serye para ligawan si Barbie. Naging mag-on sila at simula noon ay hindi na nagkahiwalay. Hindi nila ginagawang sagabal ang kanilang relasyon sa kanilang career.

Ganyan ang mahusay na relasyon.

Aktres, mga bading ang kahati sa jowa

Naluha raw sa panlulumo ang isang aktres nang buksan sa kanya ng isang malapit na kaibigan ang totoong kuwento tungkol sa ipinagmamalaki niyang boyfriend sa ngayon. Alam ng make-up artist na kaibigan niya ang lahat ng pinasukan ng kanyang boyfriend, pati na ang katotohanang kaya “malakas” iyon sa isang product na kanyang ine-endorse dahil siya ang ginagawang “panregalo” ng may-ari sa mga bading nilang business partners.

Hindi pala alam ni aktres na iyon ang talagang sideline ng kanyang boyfriend kaya nakakapagbuhay mayaman iyon. Hindi nga raw ma-imagine ngayon ng aktres kung ano ang maiisip niya sa mga gabing magkasama sila, lalo’t alam niyang maaaring noong sinundang gabi ay isang bading ang katabi ng boyfriend niya.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with