Julia at Mommy ni Gerald, nag-getting to know na!

Na-meet na ni Julia Barretto ang mom ng boyfriend niyang si Gerald Anderson na tama ba kami na “Mommy Vangie” ang tawag sa kanya ng fans ni Gerald?

Hindi lang nabanggit kung saan nagkita ang future magbiyenan.

Naka-smile ang mom ni Gerald sa isang picture na kasama si Julia at sa isa pang photo, naka-victory sign ito. Sa very short video clip ng brother ni Gerald na si Ken Anderson, nakalatag ang maraming food na handa yata sa pagkikita sina Julia at mom nila.

Nakakatuwa lang basahin ang comments ng netizens based sa posted photos, nega ang karamihan sa comments. Ang iba, ginawan pa ng isyu si Julia sa mga ex ni Gerald, eh masaya na ang dalawa, kaya deadma sina Gerald at Julia sa inyo.

Basta sabi ni Gerald sa isang picture ni Julia, “Mine” at may kasama pang emojis ng red heart at fire. Sinagot ‘yun ni Julia ng “Yours” na sinamahan ng two red heart emojis.

Alden, nakipag-dinner sa mga Beauty Queen

May lumabas na photo na nakipag-dinner si Alden Richards kina 2021 Miss Universe Spain Sarah Loinaz at 2021 Miss Universe Bahrain Jess Deyani. Kasama sa dinner sina Josh Yugen, publisher ng Xpedition na publish sa Dubai, at Gigi Santiago-Lara ng Sparkle GMA Artist.

Dahil si Miss Spain lang ang nag-post ng photo nila ni Alden sa kanyang IG story, ang comment ay sa kanilang dalawa lang. Sana raw, magkaroon ng project sina Alden at Miss Spain o kahit endorsement muna.

Hindi lock-in ang taping nina Alden at Bea Alonzo ng Start-Up ng GMA 7 kaya pareho silang nakalalabas.

Bago ang dinner with the beauty queens, na-meet din ni Alden at ng ibang Belo babies sina Kevin Kwan at Hollywood producer Lawrence Bender. Si Bea naman, nakakapag-bonding pa rin with boyfriend Dominic Roque.

Netizens, kumampi kay Heart

Kay Heart Evangelista kumampi ang netizens dahil ginalit na naman si Heart ng isang rude at pakialamerang comment. Nagyaya lang rumampa si Heart via her IG story at sabi lang “Tara Rampa,” may nag-comment ba naman ng “Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagkaka abalahan.”

Sagot ni Heart, “ULOL. The only word your vocabulary can attain.”

Reaction ng netizens, kulang pa ang “ulol” na sagot ni Heart dahil rude at below the belt ang comment na ‘yun. May natawa naman sa sagot ni Heart at may nag-react naman na sana, pa-witty na lang ang isinagot ni Heart dahil ang mga ganu’ng nilalang ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon.

Kung bakit naman kasi big deal sa iba ang hindi pa pagkakaroon ng anak nina Heart at Sorsogon Gov. Chiz Escudero, eh hindi naman sila relatives. Bakit hindi natin hayaan kung kailan nila gustong magka-baby?

Show comments