^

Pang Movies

KC, may inilabas na ‘anak’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC, may inilabas na âanakâ

May anak ang karakter ni KC Concepcion sa ginagawa niyang pelikula sa New York na Asian Persuasion. Pinost nito ang photos nila ng child actress na si Scarlett Sher na nilagyan ni KC ng caption na “Sam, my sweet & sassy daughter in the Asian American movie @asianpersuasionfilm.”

Sumagot si Scarlett ng “I love you KC!!!” na kung inyong napansin, walang “tita” o “ate” sa tawag niya kay KC. Kung sa Pilipinas ito, siguradong may “ate” o “tita” bago sa pangalan ni KC.

Nabanggit din ni KC na sa 2023 pa ang showing ng nasabing pelikula na karamihan sa cast ay Filipino based in the States. Hindi lang nabanggit kung may asawa si KC sa movie.

Ang positive ng post ni KC sa Instagram, hindi lang maiwasan na may naliligaw at namba-body shaming sa kanya. Minsan naman, ang lips ni KC ang pinagtitripan na hindi na nito pinapansin, nasanay na itong may namba-bash sa kanya at hindi niya dine-delete.

Anyway, wish ng fans ni KC na pagbalik niya ng bansa, after ng shooting niya sa Amerika ay magkaroon na siya ng TV show o kaya’y pelikula sa bansa. Ang tagal na nga namang walang TV at movie project si KC at ang ganyang magandang mukha, dapat napapanood sa TV o movies.

Lianne, handang maeskandalo

Parang nararamdaman naming iingay ang pangalan ni Lianne Valentin dahil sa mga eksena nila ni Zoren Legaspi sa GMA Afternoon Prime na Apoy Sa Langit. Parang magiging Ryza Cenon siya na umi­ngay ang pangalan nang gawin ang Ika-6 Na Utos at gumanap na kabit ni Gabby Concepcion.

Halos ganu’n ang role ni Lianne sa Apoy Sa Langit, ang kaibahan lang, dati na siyang karelasyon ni Cesar (Zoren Legaspi) bago pa naging mag-asawa sina Cesar at Gemma (Maricel Laxa).

Hindi lang mga eksena sa series ang maiinit, pati sa photo shoot at may nasilip kaming ilang photo shoot nila ni Zoren na hindi rin dapat makita ni Carmina Villarroel.

“Ready na ako sa mga comment sa socmed, pati sa bashing. Nang mag-decide akong mag-level up sa roles na gagam­panan, ready na ako sa lahat. This is what I want, I wanna step up and this is what I’m looking forward,” matapang na pahayag ni Lianne.

Nagpapasalamat si Lianne kay Zoren dahil very professional, mabait at generous. Nagbibigay sa eksena, kaya ‘yung kaba niya sa mga unang araw ng taping ay nawala.

Nabanggit ni Zoren na hindi panonoorin ni Carmina ang daring scenes nila ni Lianne sa Apoy Sa Langit. Hindi natanong si Lianne kung may boyfriend na siya na magseselos sa mga eksena nila ni Zoren?

Monday to Saturday, 2:30 p.m., mapapanood ang Apoy Sa Langit simula this Monday, sa direction ni Laurice Guillen.

Ate Vi, nakipag-dinner kina Leni-Kiko

Dahil sa lunch nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangi­linan sa bahay nina Sen. Ralph Recto at Vilma Santos sa Lipa, Batangas, may tsika tuloy na baka i-endorse ni Vilma sina VP Leni at Kiko. Si Ralph lang naman daw ang nangako ng suporta kay Manila City Mayor Isko Moreno, kaya libre pa rin si Vilma kung sino ang i-endorse.

Nang tanungin si Vilma kung si VP Leni ang kanyang susuportahan, “Boboto po ako ayon sa paniniwala ko. We need a leader with vision, action, and can inspire people. I don’t believe in branding,” ang sagot ni Vilma.

Hindi nagbigay ng pangalan na kanyang susuportahan si Vilma at ang sabi lang, “my candidate” at nakiusap na gamitin ang talino at puso sa pagboto. “Ang gusto ko may hope ang Filipinos for six years, suporta ng tao for building our nation at ma-survive ang crisis natin,” dagdag na pahayag ni Vilma.

KC CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with