^

Pang Movies

Sharon, dedma sa ginawa ni Maricel!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, dedma sa ginawa ni Maricel!

Naka-post sa Instagram ni Sharon Cuneta ang repost ed video nang pagkikita nila sa birthday rally ni VP Leni Robredo at ang pagpapakilala ni Sharon kay Maricel Soriano. Ni-repost din ni Sharon ang video na kung saan, kiniss niya sa cheek at noo si Maricel.

Sa mga comment, may nagbanggit na hinintay niyang banggitin ni Maricel ang pangalan ni Sen. Kiko Pangilinan at may ilang nagpahayag ng lungkot na hindi binanggit ni Maricel si Kiko.

Well, may rason naman pala kung bakit hindi binanggit ni Maricel si Kiko dahil iba ang vice-presidentiable nito. Si Senate President Tito Sotto ang vice-president ni Maricel at nagpakatotoo lang ito.

Mas pangit nga naman kung babanggitin ni Maricel si Tito Sen at  baka makita siya sa kampanya nina Tito Sen at Sen. Ping Lacson o kaya, ikampanya niya sa kanyang YouTube channel.

 Sa Instagram ni  Maricel, larawan lang nila ni VP Leni ang kanyang pinost, kuha sa birthday rally nito at may hashtag ang post niya na “#MaryaForLeni.”

Gab, sumasagot sa mga ‘kalaban’

May sagot na si Archie Alemania sa comment ni Gab Valenciano na “Game over, Archie” tungkol sa panggagaya ni Archie sa performance ni Gab sa mga rally nina VP

Leni at Sen. Kiko Pangilinan. Ang ginaya ni Archie ay ang performance ni Gab sa rally sa Bataan na sobrang hype si Gab at hindi lang si Archie ang gumaya.

Sagot ni Archie, sa biro ni Gab, “Nagpa-practice na kami abangan nyo... #joketime #wagseryosohin #garrylim” at makikita sa litrato na kasama niya ang komedyanteng si Gary Lim.

Ganito lang dapat, biruan lang at ‘wag seryosohin ang parinigan ng mga taga-showbis na magkakaiba ang sinusuportahang mga kandidato. Pagkatapos ng eleksyon, kayo-kayo rin ang magkikita at awkward na sa inyong pagkikita, hindi kayo magpapansinan dahil itinaas sa highest level ang parinigan at patutsadahan.

Ken, naglabas ng galit sa kaibigan na naninira

Hala, sino kaya ang bina-blind item ni Ken Chan na naninira sa kanya behind his back. May mga binanggit siyang clue, kaya ang iba niyang fans, parang kilala kung sino ang tinutukoy ni Ken. 

  Sinumulan ito ng lead actor ng Mano Po Legacy: Her Big Boss  sa pagpo-post ng quotation card na “Don’t Worry About What People Say Behind Your Back, They Are The People Who Are Finding Faults In Your Life Instead Of Fixing The Faults In Their Own Life.”

  Sinundan ‘yun ng tweets na “Huwag na huwag kang maninira ng ibang tao masama ‘yun. Lalo na wala namang atraso ‘yung taong sinisiraan mo. Nakatingin sayo ni Lord.

 “Hindi ko po kamaganak ‘yung pinatatamaan ko sa mga posts ko.

 “Nagtataka ka pa kung bakit ganito mga post ko ah. Tanungin mo kaya sarili mo kung bakit.” May kasunod ang tweet na ito na “Realization: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sayo ay kaya kang siraan. Buti na lang talaga...”

  May pahabol pa si Ken na ngayon lang siya nag-post ng ganito at nag-sorry, kailangan daw niyang ilabas ang galit na nararamdaman niya at hindi niya kinaya. May sinabi pa itong, “Kapag nag rant ako at inilabas ko ang saloobin ko baka hindi niyo kayanin kaya ok na ito.”

  Tama kaya ang binanggit na pangalan ng fans ni Ken sa kanyang bina-blind item? Nakakadismaya nga kung siya ‘yun dahil lubos ang pagtitiwala sa kanya ni Ken na pati yata sikreto sa buhay ay naikuwento.

  Samantala, malapit nang magtapos ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, inaabangan kung ang ending nito, sina Richard Lim (Ken) at Irene Pacheco (Bianca Umali) ang magkakatuluyan?

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with