^

Pang Movies

Kylie, Rayver at Julie Anne, may love triangle na agad!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May intriga agad kina Kylie Padilla at Julie Anne San Jose, dahil kay Rayver Cruz. Nagagalit ang fans ni Julie Anne kay Rayver dahil bakit daw girlfriend na nito ang idol nila, nakiki­pagmabutihan pa rin siya kay Kylie?

Dapat ay maging open-minded ang fans ng JulieVer, na trabaho lamang iyon kay Rayver, dahil sila ni Kylie ang lead stars, sa coming GMA teleseryeng Bolera na malapit na ring mapanood. May netizens namang nagsasabi na may chemistry sina Rayver at Kylie at gusto nilang mapanood ito kapag ipinalabas na ang Bolera.

Shayne, maraming natutunan kay AiAi

Thankful si Kapuso Comedy Queen AiAi delas Alas, sa GMA Network, sa patuloy na pagtitiwala nila sa kanyang kakayahan, at hindi siya pinababayaang mawalan ng trabaho. Kaya naman she cut short her US vacation at iniwan doon ang husband niyang si Gerald Sibayan, nang dumating ang offer sa kanya ng new GMA Afternoon Prime na Raising Mamay, na very challenging role for AiAi.

“Isang mahirap na role ito, but fulfilling para sa akin,” sabi ni Ai Ai. “Mag-ina kami ng StarStruck 7 Ultimate Female Winner na si Shayne Sava, magkakaroon ako ng aksidente, na nag-result sa regression ng pag-iisip ko. Naging batang-ina ako, at parang naging nanay ko si Shayne na siyang nag-alaga sa akin.”

For Shayne naman, marami raw siyang natutunan simula pa lamang nung first day ng lock-in taping nila. “Thankful po ako kay Mamay (AiAi), dahil araw-araw ang dami kong natutunan sa kanya dahil most of the scenes, magkasama kami. Pero ang lesson sa story, don’t be judgmental sa kapansanan ng isang tao.”

Balik-tambalan sina Shayne at StarStruck finalist Abdul Raman, na unang napanood sa Legal Wives. Ayon kay Abdul, ang dami niyang natutunan nang makasama ang veteran actors sa serye, na hindi raw siya umaalis kahit tapos na ang eksena niya, dahil nanonood pa siya.

Today, April 25, ang world premiere ng Raising Mamay, 3:25 p.m., after ng Prima Donnas sa GMA 7.

Herlene, emosyonal

Official nang pasok si False Positive star Herlene “Hipon Girl” Budol, sa list ng 40 candidates ng Bini­bining Pilipinas 2022. Teary-eyed si Herlene nang tawagin ang kanyang number na 67 sa final screening ng beauty pageant.

Ang layo na ng narating ng comedian at former Wowowin host, matapos ang maraming intrigang kanyang pinagdaanan, kaya speechless siya at napaiyak na nang marinig na tinawag ang name niya, habang nagdarasal siya, kaya nagpasalamat na sinagot ang dasal niya.

“Sana mahalin nyo ako bilang Hipon Girl, na doon ninyo ako nakilala, ipinapangako ko na hindi ako magbabago at hindi lalaki ang ulo ko. Maraming-maraming salamat sa inyo, sa aking family, at lahat ng mga taong nag-guide at sumuporta sa akin.”

Herlene will advocate autism awareness and detection for her Binibining Pilipinas stint.  Pinauna na rin ni Herlene na hindi niya ipu-push ang sarili na magsalita ng English during the question and answer portion of the pagent, sa halip gagamitin niya ang Filipino language.

Mapapanood muna si Herlene, with Buboy Villar sa False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim, simula sa Monday, May 2, after First Lady sa GMA 7.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with